High quality wordpress themes are available for instant download.

Archive for the 'Litratong Pinoy' Category

LP08: Tubig

Litratong Pinoy

Bata pa lang siya ay napakahilig nang maligo ng anak ko. Wala siyang takot sa tubig. Mabuti na lang, dahil ayaw ko naman siyang lumaking mabaho at dehin goli habang buhay.

(My daughter has always been fond of water, which is a good thing.)

Kaya naman isa sa pinaka-paborito niyang palaruan ay ang waterpark. Ang mga sumusunod na kuha ay mga action shots ng aking anak habang tuwang-tuwang naglalaro sa tubigan.

(She loves waterparks and, below, you can see how much.)

Ang saya ano?

(How fun!)

~~~

Isa pang Tubig DITO. (Please click this link for my other Water entry).

~~~

Siya nga pala ulit, gumagawa po ako ng Blogroll para sa LP. Kung nais niyong ilagay ko kayo sa blogroll, puntahan ang pahinang ITO para malaman kung paano. Thanks!

(The script for the LP blogroll is ready, you can copy it from HERE. Thanks!)

LP07: Umaapoy

Litratong Pinoy


Kapag may sunog, ito ay maririnig mong sisigaw ng “umaapoy!”.

Dahil bawal sa aming building ang mag-siga, wala akong pag-asang makakuha ng litrato na uukol sa tema ngayong linggo. Kahit na magpaka-matapang ako, hindi ko na sinubukan pa na magsimula ng apoy dahil kapag ginawa ko iyon, pihado, mas mabilis pa sa pag-alarma ng sirenang ito ay sa bilangguan niyo na lang kami pupulutin ng aking anak, hehe.

~~~

Isa pang Umaapoy DITO.

~~~

Siya nga pala, gumagawa po ako ng Blogroll para sa LP. Kung nais niyong ilagay ko kayo sa blogroll, puntahan ang pahinang ITO para malaman kung paano. Thanks! :)

LP06: Mga Mahal Na Ina

Litratong Pinoy

Nais kong ipakilala sa inyo ang aking ina, at ang ina ng aking asawa na pareho kong minamahal.

(I would like to introduce to you my mom and my mother-in-law, two women I hold dearest in my heart.)


Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay


Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Mahigit dalawang taon na rin namin hindi sila nakakapiling. Kung maaari lang sanang tawirin ng mga yakap at halik ang mga karagatang naglalayo sa amin…

(It has been close to two years since I last saw them. If only we could make our hugs and kisses fly over the boundless oceans that separate us…)

~~~

Ang aking inang laging saklolo (My sweet refuge) DITO (HERE).

LP05: Malungkot

Litratong Pinoy


Dahil tayo ay makasalanan.

~~~

Isa pang Malungkot DITO.

LP04: Pahaba

Litratong Pinoy

Mahaba ang aming nilakbay upang makarating sa lugar na ito. Mahuhulaan niyo ba kung saan?


Kung saan mahaba ang mga tulay.


Kung saan tabi-tabi ang naghahabaang gusali.


Kung saan habang humahaba ang trapiko animo’y umiikli ang pasensiya.


Kung saan dati’y namamayagpag ng marangal ang dalawang magkapatid na parihabang ito.


At kung saan ang kahabaan ng aninong ito ay simbolo ng isang ring mahaba at makulay na kasaysayan.

Ako. Puso. NY.

Ikaw?

~~~

Isa pang Pahaba DITO.

LP03: Parisukat

Litratong Pinoy

Ang apat na sulok ng aming tahanan ay maihahalintulad sa isang palaruan. Kahit saan ka bumaling, garantisadong may pang-aliw kang masisilayan.


Laruan ng anak.


Laruan ng ina.


Laruan ng ama.

At kapag may extra…


Mga laruang ipinapauwi sa mga mahal sa buhay.

Kaya naman masaya kami lagi dito, hehe.

~~~

Isa pang Parisukat DITO.

LP02: Tatsulok

Litratong Pinoy

toblerone

doritos

Tsokolate + Tsitsirya = Tsibog. :)

~~~

Isa pang Tatsulok DITO.

LP01: Bilog

Perlas na bilog huwag tutulog-tulog…

~~~

Isa pang Bilog DITO.

« Prev



Want to download movies? Check out this website.