High quality wordpress themes are available for instant download.

Archive for the 'Litratong Pinoy' Category

LP14: Tatak Pinoy

Litratong Pinoy

Halos limang taon na rin kaming naninirahan dito sa Amerika kaya’t madalas magkamali ng akala ang mga tao tungkol sa pagkatao niya. Kahit laki na siya dito, ang aking anak ay 100% meyd in the pilipinis.


Ini-ire sa pinas.

Maihahalintulad siya sa mga kasuotan dito, kahit na sa unang tingin ay American made…


Hindi mo maikakaila na pawis ng pinoy ang bumuo dito. So to speak.

~~~

Ang aming mga dinadayong pampaligaya DITO sa aking isa pang LP entry.

LP13: Pag-Aaral

Litratong Pinoy


Sa darating na pasukan, ang aking anak ay sasabak na sa makulay na mundo ng pag-aaral.


Nawa’y makapag-uwi siya ng mga matitingkad na kaalaman, kahit paisa-isa, na magbibigay kulay sa kanyang buhay, mula ngayon hanggang sa kanyang paglaki.

~~~

Magbilang mula isa hanggang isang daan DITO sa aking isa pang LP entry.

LP12: Ama

Litratong Pinoy

Ang mga minamahal na mga Ama sa aking buhay.


Ako at ang aking Daddy. Anong masasabi ni Toni Falcon sa porma ng Daddy ko, hehe? Medyo hyper ako sa litrato dahil kakainom ko lang yata ng Pepsi, hehe.


Ang aking asawa at ang kanyang Tatay. Kumpara sa akin na laging hyper, ang aking kabiyak ay napakabuti (daw) na bata at normal na rin (daw) kay Tatay na umakyat ng entablado upang magsabit ng mga medalya.


Si Ninna at ang kanyang Papa. Kahit puyat, sige pa rin sa pag-aalaga ang mahal ko. Ito na siguro ang isa sa pinaka-paborito kong litrato ng aking mag-ama.

Daddy, Tatay, Papa. Sila ang mga haligi na bumubuo sa aming pagkatao - hindi natitinag, hindi napapagod. Sana’y patuloy silang alagaan ng Diyos Ama.

~~~

Dagdag na litrato ng Papa at ng Papa’s Girl DITO.

LP11: Kalayaan

Litratong Pinoy

Hati ang aking damdamin pagdating sa mga ganitong pagkakataon. Dapat nga ba silang ikulong, sa interes ng agham, ng kamalayan, o di kaya’y para sa kanilang kaligtasan? O hayaan na lang silang maging malaya sa kanilang mga natural na tahanan?


Tinatanaw kaya niya ang kalayaan sa kabila ng bakuran?


Wala man rehas, hindi pa rin ramdam ang kalayaan kung ikaw ay nababalot ng pag-iisa.


Naghahanap ng pag-asang makilulan sapagkat walang kapangyarihang makalipad, makatakas.


Ano ang saysay ng maging hari ng kagubatan kung ang iyong palasyo ay gawa lamang sa tahi-tahing alambre at bakal?

Para sa sangkatauhan lamang ba ang kalayaan? O sa lahat ng nilalang?

~~~

Ang kalayaan ay hindi libre DITO.

LP10: Pag-Iisang Dibdib

Litratong Pinoy

Ang litratong ito ay kuha sa pag-iisang dibdib ng aming mga mabuting kaibigan na sina Ella at Sherwin. Narito ang bagong kasal sa harap ng simbahan kung saan sila ay ikinasal. Maikling panahon lamang ang preparasyon para sa kanilang kasal subalit hindi mo mababakas ang kahit anong ligalig sa kanilang mga dibdib. Pati ang pari na nagkasal sa kanila ay nagmungkahi na isa sa pinakamagandang kasal ito na kanyang i-sinelebra. Tingin ko, dala ito ng umaapaw na pag-ibig nila sa isa’t-isa.

At syempre, hindi pwedeng hindi ko ipagmalaki ang aking napakagandang anak nang siya at ang kanyang kaibigang si Catie ay naimbitahan upang magsilbing flower girls sa kasal na ito. Ito ang pinaka-unang pagkakataon na si Ninna ay naging flower girl kaya naman napaka-espesyal ng okasyon na ito para sa amin ng aking asawa.

Huling-huli sa litrato na ito kung gaano sila naglilikot sa simbahan habang nagpapatuloy ang seremonya. Ay yay yay.

~~~

DITO naman matatagpuan ang litrato namin ng aking asawa noong kami ay ikinasal.

LP09: Hangin

Litratong Pinoy

Walang panama si Rod Navarro sa hangin ng mga ito. :)

Ito ay kuha nang minsang nilakbay namin ang kahabaan ng I-5 sa California. Isang mahabang-mahabang kalsada ito at halos iisa lamang ang itsura ng kapaligiran kaya’t di maiwasan na sa biyahe ay mabagot. Ngunit, tulad ng isang malamig na ihip ng hangin ay lumantad sa amin ang tanawing ito. Daan-daang windmills sa tuktok ng naguumbukang mga burol.

Presko sa paningin para sa aming maligayang pagdating.

LP08: Tubig

Litratong Pinoy

Bata pa lang siya ay napakahilig nang maligo ng anak ko. Wala siyang takot sa tubig. Mabuti na lang, dahil ayaw ko naman siyang lumaking mabaho at dehin goli habang buhay.

(My daughter has always been fond of water, which is a good thing.)

Kaya naman isa sa pinaka-paborito niyang palaruan ay ang waterpark. Ang mga sumusunod na kuha ay mga action shots ng aking anak habang tuwang-tuwang naglalaro sa tubigan.

(She loves waterparks and, below, you can see how much.)

Ang saya ano?

(How fun!)

~~~

Isa pang Tubig DITO. (Please click this link for my other Water entry).

~~~

Siya nga pala ulit, gumagawa po ako ng Blogroll para sa LP. Kung nais niyong ilagay ko kayo sa blogroll, puntahan ang pahinang ITO para malaman kung paano. Thanks!

(The script for the LP blogroll is ready, you can copy it from HERE. Thanks!)

LP07: Umaapoy

Litratong Pinoy


Kapag may sunog, ito ay maririnig mong sisigaw ng “umaapoy!”.

Dahil bawal sa aming building ang mag-siga, wala akong pag-asang makakuha ng litrato na uukol sa tema ngayong linggo. Kahit na magpaka-matapang ako, hindi ko na sinubukan pa na magsimula ng apoy dahil kapag ginawa ko iyon, pihado, mas mabilis pa sa pag-alarma ng sirenang ito ay sa bilangguan niyo na lang kami pupulutin ng aking anak, hehe.

~~~

Isa pang Umaapoy DITO.

~~~

Siya nga pala, gumagawa po ako ng Blogroll para sa LP. Kung nais niyong ilagay ko kayo sa blogroll, puntahan ang pahinang ITO para malaman kung paano. Thanks! :)

LP06: Mga Mahal Na Ina

Litratong Pinoy

Nais kong ipakilala sa inyo ang aking ina, at ang ina ng aking asawa na pareho kong minamahal.

(I would like to introduce to you my mom and my mother-in-law, two women I hold dearest in my heart.)


Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay


Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Mahigit dalawang taon na rin namin hindi sila nakakapiling. Kung maaari lang sanang tawirin ng mga yakap at halik ang mga karagatang naglalayo sa amin…

(It has been close to two years since I last saw them. If only we could make our hugs and kisses fly over the boundless oceans that separate us…)

~~~

Ang aking inang laging saklolo (My sweet refuge) DITO (HERE).

LP05: Malungkot

Litratong Pinoy


Dahil tayo ay makasalanan.

~~~

Isa pang Malungkot DITO.

« Prev - Next »



Want to download movies? Check out this website.