High quality wordpress themes are available for instant download.

Archive for the 'Litratong Pinoy' Category

LP43: Lila

Litratong Pinoy

palasyo

Ito ay kuha mula sa huli naming pagbisita sa enkantadong mundo ni mickey mouse. Dito (daw) nakatira si Cinderella. Pero bakit lila, di ba dapat asul? Para terno ng gown niya? :)

~~~

Hindi ito bangus DITO, ang aking isa pang LP entry.

LP42: Ang Paghahabol :)

Litratong Pinoy

Meron po akong utang sa inyong lahat na mga litrato at pagbisita, pasensiya na at natabunan po ako ng mga kung anu-ano nung huling bakasyon, hehe!

Uunahin ko na munang punan ang mga pagkaka-utang na litrato.

FREESTYLE

maligayang bagong taon

Bago ang lahat, isang maligayang bagong taon po sa inyong lahat! Sana ay hainan kayo ng ligaya, swerte, at puspos na pagmamahal ng darating na taon. :)

PULA

stop

Green means go and red means…? :) Tunay na napatigil talaga ako sumandali upang masilayan ang pamumula ng mga dahon at puno noong nakaraang taglagas.

ASUL

blue

Kilala niyo ba ang kaibigang ito? :) Isa ito sa pinaka-paborito naming panoorin ng aking anak. Hindi siya nagsasalita ngunit nag-iiwan naman siya ng mga himaton sa pamamagitan ng bakas ng kanyang mga paa (or kamay). Siya ay kulay asul ngunit hindi naman siya babae – o di ba, isa siyang magandang halimbawa ng hindi pagsunod sa gender stereotyping. :)

KAHEL

orangesky

Sa panghuli, nais ko kayong iwanan ng larawan ng aking anak (na naka-suot ng kahel na panlamig), habang naglalaro sa dalampasigan at namamaalam ang kahel na kalangitan. Dito nagtapos ang aming bakasyon, at sana’y dito na rin magtapos ang aking pagbabakasyon sa larangan ng pagb-blog, hehe!

~~~

Ang aking pakyawang paghabol sa mga lumipas na tema, DITO, ang aking isa pang LP entry.

LP38: Karoling

Litratong Pinoy

Nalulungkot ako dahil ang pagkakaroling ay isang tradisyon na aking nakagisnan tuwing Pasko na hindi magawa-gawa ng aking anak dito sa aming malayong tahanan. Nandiyan yung pa-piso-piso na kinikita, yung hahabulin ka ng aso, yung tataguan ka o papatayan wari ng ilaw, ang mga instrumentong gawa sa pinitpit na tansan, at ang mga titik ng kantang mali-mali pero dinadaan na lang sa stage presence. Haay, nakaka-miss.

Kaya heto, ang mga dwende na lang na ito (at isang penguin) ang aawit para sa amin.

Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you. :)

~~~

Isang obra mula sa maestro Levi DITO, ang aking isa pang LP entry.

~~~

By the way, pasensiya na po at hindi ako nakakaikot-ikot sa mga lahok ninyo, mga friends. Pag ganitong panahon kasi ay patong-patong ang mga gawain. Pero sisikapin kong bisitahin kayo ngayong linggo, promise. :)

At ang utang kong mahalagang regalo ay ginawa ko na rin. Bisitahin niyo na rin kung mamarapatin, kung hindi naman ay oks lang. :)

Mahalagang Regalo sa MyMemes
Mahalagang Regalo sa MyParty

LP37: Mahalagang Regalo [Precious Gift]

Litratong Pinoy

Masyadong naging masalimuot po ang aking nakaraang linggo kaya naman hindi ako nakapag-sumite ng lahok para sa temang Mahalagang Regalo.

Pero, heto at ihahabol ko pa rin. :)

Hindi lingid sa kaalaman ng aking malalapit na kamag-anak at kaibigan na lubha akong nahirapan sa pagbubuntis. Sa katunayan, naipasya ng Diyos na ibalik sa piling Niya ang aming sana’y naging unang supling. Naging mahirap para sa aming mag-asawa na tanggapin ang pasya Niyang ito, subalit naniniwala kami na ang lahat ng ito ay isang matindi ngunit hitik ng pag-asang pagsubok ng aming pananampalataya na alam naming kaya naming lagpasan.

Hindi naman kami nabigo dahil lumipas lamang ang ilang buwan ay ginulat kami ni Lord. Hindi namin inasahan ngunit biglang ibinigay Niya sa amin ang batang magpahanggang-ngayo’y itinuturing naming pinakamahalagang regalo na sa amin ay ibiniyaya.

Sabi nila, bilang mga magulang, ang pinaka-mahalagang regalo naman na aming puwedeng ibahagi sa mundo ay ang pagluluwal ng isang bata na lalaking isang mabuting tao, maka-Diyos, masipag, handang humarap sa mga hamon ng mundo, maaruga sa kapakanan ng kapaligiran, at magbibigay ng karangalan sa kabuuan ng sankatauhan.

Heto si Ninna, ang aming sana’y maging handog sa mundo.

~~~

Wala nang mas hahalaga pa sa regalong ito, DITO, ang aking isa pang LP entry.

LP36: Excited

Litratong Pinoy

Narito ang aking anak na excited na excited tuwing kami ay pumupunta sa dalampasigan. Basta dalhin mo lang siya sa beach, isang malaking digmaan ang magaganap bago mo siya mapa-ahon. Buti na lang at wala siyang takot sa paglangoy sa dagat, hindi tulad ko. Dati kasi, sa sobrang excited kong mag-beach, muntik na akong malunod, hehe! Kaya hayun.

Here is my daughter who obviously loves the ocean. You would never ever miss seeing the excitement in her eyes whenever she hears even a single break of a wave, or when her toes begin to touch the sand and sea. We are definitely island peeps. Definitely.

~~~

Di mapakali, sobrang excited para DITO, ang aking isa pang LP entry.

LP35: Pagwawagi [Victory]

Litratong Pinoy

Hindi lingid sa kaalaman ng mga sumusubaybay sa aming buhay na napakadalas naming lumipat ng tahanan. Sa limang taon na aming inilagi sa Amerika, may anim na beses na rin kaming nag-alsabalutan at nagpalipat-lipat.

Para sa amin, ang aming bawat paglipat ay maituturing naming pagsubok – sa aming katatagan bilang isang pamilya at sa aming hangarin na mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming anak. Salamat naman sa Diyos at kinakaya namin ang mga pagsubok na ito.

Wagi sa Miami
Wagi sa Miami, sa aming ika-limang paglipat.

Kung tutuusin, maswerte pa rin kami dahil nabibigyan kami ng pagkakataon na mabisita ang mga lugar na hindi naman namin otherwise mapupuntahan. Panalo pa rin sa experience, di ba?

Mahirap man, nagwawagi din. :)

[My family and I live a pretty nomadic life. In the five years that we have lived in America, we have already moved to six various locations - Kentucky (Lexington and Louisville), NC, Texas, Florida, and Georgia. It's a struggle, really, to literally live life in a suitcase. But, c'est la vie, what will not kill you will make you stronger. :)

Besides, as long as my family and I are together, anywhere is Home.]

~~~

Ang pagwawagi ng Team Texas DITO sa aking isa pang LP entry.

LP34: Madumi (Dirty)

Litratong Pinoy

Actually, hindi naman madumi – makalat lang.

Tuwing umaga, lalo na kung sinisipag ako, itong pathway na ito ang aking nilalakad-lakaran. Kasagsagan na ng taglagas dito sa amin kaya kahit kakalinis lamang ng daan na ito nung kinagabihan, marami na ulit mga dahon na nakahandusay ngayong umaga.

Paborito ko ang panahon ng Fall dahil sa ganda ng panahon at ganda ng mga kulay sa paligid. Pero buti na lang at sa apartment kami nakatira kaya may taga-linis nitong mga ito dahil kung sa sarili namin itong bahay, baka hindi namin kakayanin ng aking trusty walis tingting. Hindi naman pwedeng hindi linisin ito dahil may kabahuan kapag nabulok.

Ganda no? Sarap magpa-gulong-gulong sa maruming lapag, heheh!

(It’s not exactly dirty – just a wee bit messy. That’s autumn for you, my dear friends.

I love walking down this path every morning, especially now when I can hear and feel the crush, crush, crush, of the dried leaves underfoot whenever I take a step. It’s such a liberating feeling knowing that you can step on the old (hopefully not leaving it to rot) and then inhaling the promise of rebirth that’s sure to be on its way.)

~~~

Kaya hindi pwede ang puti sa akin, DITO sa aking isa pang LP entry.

LP33: Kinagisnan

Litratong Pinoy

Kahit nandito na kami sa kaharian ng shower at tissue paper, hindi pa rin pwedeng talikuran ang kinagisnang paboritong kaagapay sa palikuran – ang tabo. Sa totoo lang, itong mga ito ay ang dalawa sa mga unang-una naming inimpake noong kami ay umalis ng Pilipinas. Kita niyo naman, nagbaon din kami ng mini-version para sa aming anak para naman, tulad namin, ito na rin tuloy ang kanyang makagisnan.

Hindi nga ba’t hindi kayang ipagpalit ang kaginhawaan at kalinisan na dulot nila. Tama? :)

~~~

Itaktak mo, DITO sa aking isa pang LP entry.

LP32: Maala-ala Mo Kaya

Litratong Pinoy

Dear Ate Charo,

Taong 2001 nang ako’y magpasyang tanggapin ang alok na mahalin at magmahal ng magpakailanman. Siguro, sa aking nakaraang buhay ay mayroon akong nagawang mabuti, o di kaya’y ito ang tagumpay na inilaan sa akin sa lahat ng pasakit na aking pinagdaanan mula sa mga unang minahal, o di kaya’y nasa takdang panahon lamang ang lahat – kung ano man ang dahilan ang nagdala sa kanya sa aking mga bisig, sa aking buhay, salamat.

Nagmamahal,
M

~~~

Dati ay isang institusyon, ngayon ay isang dakilang Macy’s na lamang DITO sa aking isa pang LP entry.

LP31: Kadiliman

Litratong Pinoy

Napakaliwanag ng paligid, ngunit hindi mo na ito masasaksihan. Isang maling hakbang at, sa isang iglap, biglang magtatapos ang iyong paglalakbay. Napakaganda ng mundo ngunit masalimuot din.  Ang tanong… handa ka ba?

Ano ang huling bagay na iyong maiisip bago ka balutan ng sapot ng kadiliman?

~~~

Sa isang madilim na sinehan, isang napakagaling na huling pagganap DITO sa aking isa pang LP entry.

« Prev - Next »



Want to download movies? Check out this website.