
Dahil hindi na naman ako nakalahok nung isang linggo, dalawang tema na naman ang ilalathala ko ngayon. In the spirit of our pambansang kamao – pakyawan na naman. :)
Hindi kaila na isa sa mga hilig naming mag-anak ay ang pamamasyal. At lalong namayagpag ang aming pamamasyal mula nang tumungtong kami dito sa Amerika.

Ako at ang aking himbing na himbing na supling habang naghihintay ng boarding sa NAIA.
Napaka-poignant ng litratong ito para sa akin dahil, bukod sa aming dalawa (well, tatlo, kasama ang aking asawa na kumuha ng litrato), makikita rin ang mga pasaherong kasama namin na naghihintay sumakay sa eroplano patungong Amerika. Tila bang lahat kami’y umaasa sa pangako ng bagong simula na naghihintay sa amin sa ibang bansa.

Ako at ang aking tatlong buwang anak na sakay ng eroplano.
Bukod doon, sa ang aming paglipad ay mukhang naging hudyat na rin ito na mahilig yatang mamasyal ang aking anak. At hindi ako nagkamali – naging simula pa lamang nga ito ng aming walang humpay na pamamasyal. :)
~~~
Kabilang sa aming mga napasyalan ay ang mga tulay na ito:

Ang tulay sa Louisville, Kentucky.

Ang tulay sa ibabaw ng Hoover Dam sa border ng Nevada at Arizona.

Tulay ng Brooklyn sa New York City.

Tatlong henerasyon sa lakarang tulay sa Gatlinburg, Tennessee.

Ang tulay ng Golden Gate sa San Francisco, California.

Isang nakalululang tulay sa Rock City sa Chattanooga, Tennessee.

Ang tulay ng Talmadge sa Savannah, Georgia.

Ang tulay ng Ravenel sa Charleston, South Carolina.

Ang tulay ng Marathon sa Key West, Florida.

Ang tulay ng Sunshine Skyway sa ibabaw ng Tampa Bay, sa Florida.
Tulay overload? :D
Kung meron lang sanang tulay derecho ng Pilipinas, walang dalawang salita’t tinawid na rin namin iyon. :)
~~~
Simula pa lamang ng kanyang buhay, simula naman ng aming kaligayahanDITO, ang aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: May.06.2009 ::
Litratong Pinoy ::
14 Comments »