Simula Pa Lamang at Mga Tulay
Dahil hindi na naman ako nakalahok nung isang linggo, dalawang tema na naman ang ilalathala ko ngayon. In the spirit of our pambansang kamao – pakyawan na naman. :)
Hindi kaila na isa sa mga hilig naming mag-anak ay ang pamamasyal. At lalong namayagpag ang aming pamamasyal mula nang tumungtong kami dito sa Amerika.

Ako at ang aking himbing na himbing na supling habang naghihintay ng boarding sa NAIA.
Napaka-poignant ng litratong ito para sa akin dahil, bukod sa aming dalawa (well, tatlo, kasama ang aking asawa na kumuha ng litrato), makikita rin ang mga pasaherong kasama namin na naghihintay sumakay sa eroplano patungong Amerika. Tila bang lahat kami’y umaasa sa pangako ng bagong simula na naghihintay sa amin sa ibang bansa.

Ako at ang aking tatlong buwang anak na sakay ng eroplano.
Bukod doon, sa ang aming paglipad ay mukhang naging hudyat na rin ito na mahilig yatang mamasyal ang aking anak. At hindi ako nagkamali – naging simula pa lamang nga ito ng aming walang humpay na pamamasyal. :)
~~~
Kabilang sa aming mga napasyalan ay ang mga tulay na ito:

Ang tulay sa Louisville, Kentucky.

Ang tulay sa ibabaw ng Hoover Dam sa border ng Nevada at Arizona.

Tulay ng Brooklyn sa New York City.

Tatlong henerasyon sa lakarang tulay sa Gatlinburg, Tennessee.

Ang tulay ng Golden Gate sa San Francisco, California.

Isang nakalululang tulay sa Rock City sa Chattanooga, Tennessee.

Ang tulay ng Talmadge sa Savannah, Georgia.

Ang tulay ng Ravenel sa Charleston, South Carolina.

Ang tulay ng Marathon sa Key West, Florida.

Ang tulay ng Sunshine Skyway sa ibabaw ng Tampa Bay, sa Florida.
Tulay overload? :D
Kung meron lang sanang tulay derecho ng Pilipinas, walang dalawang salita’t tinawid na rin namin iyon. :)
~~~
Simula pa lamang ng kanyang buhay, simula naman ng aming kaligayahanDITO, ang aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: May.06.2009 :: Litratong Pinoy :: 14 Comments »











I luvvv the 2nd shot!!! *muah!
and the rest, whoa Meeya, buti ka pa layag na layag at ang daming napuntahan! Mabuhay na simula! Ganda ng mga kuha ha.
ang cute! mo! sa unang larawan mee!:) parang batang bata ka pa dito at wala pang muang…tamang tama nga sa tema!:) at syempre ang gaganda ng mga bridges pati ang kuha:)
cess last blog post..Litratong Pinoy: Starters
wow napakagandang tanawin nmn nito napakasarap nmn pasyalan ang mga lugar n ito =) narito nmn po ang aking lahok – http://ishiethan.blogspot.com/2009/05/lp-simula-pa-lamang.html
mommy jess last blog post..LP : Simula Pa Lamang
gusto ko ring tawirin yung tulay Rock City sa Chattanooga, Tennessee….gusto ko ng mga ganyan! :)
kgs last blog post..LP3: Simula pa lamang
Ang ganda ng pagkakakuha ng Golden Gate Bridge, pati na rin yung Brokklyn Bridge. Maligayang LP!
Ricos last blog post..LP008: Simula Pa Lamang
Naku, ang daming ngang napuntahan at magaganda pa … magiging lakwatsera ang anak mo laglaki, LOL!
Magandang Huwebes!
Eto naman ang aking lahok.
hay, kay bilis ng panahon “balae” :D
ang gaganda ng kuha mo ashushwal! happy lp!
mavers last blog post..LP #53: SIMULA PA LAMANG
wow! ang gaganda naman ng koleksyon mo ng larawan ng mga tulay :-)
iskas last blog post..LP56: Sotanghon Guisado
andaming tulay!
at angkyut ni beybi eheheh
magandang simula yan :)
eto naman po ung akin :D
officially unemployed
HAPPY HUWEBES KA-LP :D
yeyes last blog post..officially unemployed – LP#56 Simula pa lang
naaliw naman ako sa mga litrato mo. parang na-witness ko na rin kung paano lumaki ang iyong anak. :)
Heto naman ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lang.html
ang daming tulay!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2009/05/lp-56-simula-pa-lamang.html
that’s a lot of bridges :) 3months old lang pala si ninna nung pumunta diyan.. how fast time flies!
magandaang simulain nga para sa inyong mag-anak – sarap mamasyal talaga :D
hapi lp and hapi mother’s day na din!
teyss last blog post..LP-Simula Pa Lamang
Mamah! Happy Mother’s Day! Ninna is so blessed to have you as a mom. And syempre si Papa A din, for having you as his wife…