High quality wordpress themes are available for instant download.

Hardin at Gusali

Litratong Pinoy

Dahil hindi ako nakalahok nung isang linggo, dalawang tema ang ilalathala ko ngayon. Mabuti na lang at meron akong saktong gusali at hardin na pwedeng-pwede kong ibahagi sa inyo.

Biltmore

Nope, wala po ako sa Europa. Itong gusaling ito ay ang Biltmore Home na matatagpuan sa Asheville, North Carolina. Biruin mo, may ganitong klaseng gusali sa liblib na pook ng North Carolina? :D

Hango ang disensyo sa isang 16th century French chateau, naitayo ito nung 1895 (matapos ang anim na taong konstruksyon) bilang tahanan ng pamilya Vanderbilt. Noong mga panahon na iyon, itong bahay na ito ay ang pinakamalaking architectural undertaking na nangyari sa kasaysayan ng residential architecture sa America. Unang-una, isang batalyon na craftsmen at workers ang gumawa nito. Nagtayo pa sila ng isang railway system sa loob ng estate para lamang ma-transport ang mga kagamitan. Mahigit apat na acres ang floor space ng bahay na ito, na may 34 na kwarto, 43 na banyo, at 65 fireplaces, at lahat ng furnishings ay sobrang ma-detalye at kamangha-mangha ang craftsmanship. Dagdag pa sa mga dahilan kung bakit espesyal ang bahay na ito ay dahilĀ  ito lamang ang tahanan noong mga panahon na iyon na mayroong indoor plumbing. Meron din itong sariling elevator (na ginawa ni Otis specifically para sa bahay), at pati na rin washing machine! Bonus pa, meron din itong gym (na may sinaunang treadmill, haha!), indoor swimming pool, at bowling alley sa basement.

Sa ngayon, ang Biltmore Estate ay isa sa mga major pasyalan ng mga tao sa North Carolina. Sa loob ng Biltmore Estate ay may sarili silang ubasan at winery (gumagawa sila ng sarili nilang wines), hotel at inns (na pwedeng tulugan ng mga bisita), restaurants, barns (na kinaaaliwan ng mga bata), at tindahan kung saan makakabili ng mga gamit at pagkain para sa bahay. Ginamit rin itong set sa iba’t-ibang pelikula tulad ng Forrest Gump, Patch Adams, Last of the Mohicans, at Richie Rich. O di ba showbiz!

Pero ang isa sa dahilan kung bakit napaka-gandang pasyalan ng Biltmore Estate ay ang kanilang mayayabong na kagubatan, lawns, at hardin!

Biltmore Lawn
Ito ang lawn na nasa harap ng malaking bahay. Pagkatapos kong kuhanan ng litrato yung gusali sa taas, tumalikod lang ako at ito na ang tumambad sa akin. :)

At ito naman kami ni Ninna sa hardin. Tamang-tama at kasagsagan ng Spring noon kaya galit na galit sa pamumukadkad ang mga bulaklak. :)

bulaklak-beauties

Minsan ay bumalik naman kami ng taglagas (Autumn) kasama ang aking mommy. Heto naman ang kanyang picture-perfect na kuha sa hardin.

Mom sa Hardin

Kaya kung bibisitahin niyo ako dito sa Georgia, pwedeng-pwede ko kayong ipasyal dito sa Biltmore Estate dahil apat na oras na drive lamang iyon mula dito. Tara! :)

~~~

Ang anino ng pinaka-sikat na gusali sa New York DITO, ang aking isa pang LP entry.

« || »

13 Responses to “Hardin at Gusali”

  1. on 22 Apr 2009 at 12:11 pmfortuitous faery

    wow! dinaanan lang namin ang north carolina recently kasi sa myrtle beach naman kami nagbakasyon. ang ganda ng garden photo! para kayong nasa painting! :)

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#47: gusali (building)

  2. on 22 Apr 2009 at 12:55 pmGmirage

    Akala ko nasa Pransiya ka kasi kamukha ng isang hotel doon hihi. nakakainlove ang mga bulaklak!!! Aba jan nagmula si miss USA 2009 (lol di ko sure kung tama ba haha). Happy LP Mee, pkurot kay Ninna! lol.

    Gmirages last blog post..Gusali/Building – Litratong Pinoy

  3. on 22 Apr 2009 at 1:17 pmWilla

    2004 pa ako huling nakarating ng NC,sana ay makabalik kami at sisiguruhin kong papasyalan namin an glugar na yan.Maganda ang hardin.

  4. on 22 Apr 2009 at 5:39 pmPinky

    Tara na nga! (Parang ang dali ano? Hehehe)

    Sobrang pabuloso namang tirahan at hardin iyan! Hanggang ngayon ba ay may Vanderbilt pang nakatira diyan o ginawa nang pampubliko ang buong gusali?

    PS Siyempre pa, mas pabuloso ang kagandahan ng 3 generations ng proudly-Pinoy beauties – hehehe :D

    Pinkys last blog post..LP #54: Gusali?

    hi pinky! salamat! ika nga, its in the genes, hehe! and to answer your question, wala nang nakatira dun sa mismong bahay kasi ginawa na nilang parang museum (ala casa manila). pero yung CEO ng company na nagpapatakbo ng Biltmore e direct descendant ng mga vanderbilt, i think great grandson yata si bill (naks first name basis daw kami, haha!). nananatiling family-owned and private yung estate. :) and open to the public lang sa buong gusali ay yung basement, first, second and fifth floors (kung saan nandun ang servants quarters). the rest of the house, sarado for public. sabi ng guide, minsan daw kasi tumatanggap pa rin ng bisita ang pamilya sa castle, so dun sila nags-stay sa private floors hehe. ~m

  5. on 22 Apr 2009 at 7:20 pmlino

    ganda naman ng building na yun… parang castle talaga… happy huwebes… :)

    linos last blog post..gusali…(building)

  6. on 22 Apr 2009 at 9:07 pmgail

    ay kaganda naman nyan! sige, nga pasyal mo nga ako jan… hehe… ;p

    gails last blog post.."sleeps with butterflies" by tori amos

  7. on 23 Apr 2009 at 5:55 amJay - Agent112778

    wow ang ganda lahat ng pix lalo na yung pix nyong mag ina :D

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jay – Agent112778s last blog post..ABC Wed R4 : the letter "N"

  8. on 23 Apr 2009 at 6:23 amJulie

    Ang ganda ng lugar, sosi!

    Julies last blog post..Villa Maya

  9. on 24 Apr 2009 at 2:01 amhaze

    mama mee! ganda ng castle! parang may naligaw na european castle sa US. ang galing!!

    at ang garden shot niyo ni ninna, ang ganda rin. :)

    ngayon lang ulit ako nakasali sa lp, haha.

    musta na mama mee? :)

    hazes last blog post..a lonely home

  10. on 24 Apr 2009 at 3:29 amKaje

    ang ganda nga ng gusali, parang nasa europe! :D

  11. on 24 Apr 2009 at 6:44 amThess

    Ang ganda nga at very European ang style! Dutch ba settlers dyan in the past? dutchy ang name kasi.

    mommy’s got nice dimple, picture perfect nga naman :) At syempre pa, cute din kayong mag-ina *kambyo bigla ha ha*

    Thesss last blog post..Magastos na mga GUSALI! (LP 54)

  12. on 24 Apr 2009 at 10:46 ampao

    huwaw! ang laki-laki ng building, parang castle. :D happy LP!

  13. on 25 Apr 2009 at 10:53 amiris

    para sakin ang mga buildings na ganyan napaka-romantic :) hanep pala yang bahay na yan, ang hitech :)

    iriss last blog post..Travel (wish) List

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.