Paboritong Litrato
Una sa lahat, nais kong batiin ng isang Maligayang Kaarawan ang Litratong Pinoy! Biro mo nga naman, isang taon na rin pala ang nakalipas. :)
Sa pagpapatuloy, nais ko lamang palang ikuwento na, noong una kong nabasa ang tema sa linggong ito, ang aking akala ay ilalathala natin ang ating pinaka-paboritong litrato na inilahok sa buong taon na aking pagsali sa Litratong Pinoy. Kung ako ang tatanungin, ang aking pinaka-favorite na inilahok ko sa LP ay ito:

Perlas na bilog. :)
Bakit? Dahil ito ang unang-una kong lahok sa LP sa unang-unang araw ng paglulunsad nito sa ilalim ng temang “Bilog”. Hindi ko naman masasabi na ako’y isang mahusay na litratista, pero ito ang aking unang-unang seryosohang pagsabak sa larangan ng themed photography. Magmula noon, tuloy-tuloy na akong sumali sa LP, pati na rin sa ibang mga photomemes sa pagnanais na lalo pang mapabuti ang aking bagong hobby. :)
Pero, kani-kanina lang ay nilinaw ko sa isang mabuting kaibigan kung ano ang tunay na sakop ng tema para sa linggong ito. Sabi niya, actually, favorite picture pala ito, of all time! As in, freestyle! Hehe. At dahil special ang linggong ito para sa LP, dadagdagan ko ang aking entry ng isa pa. :)
Sa totoo lang, napakarami kong paboritong litrato (at marami dito ay kuha ko ng aking napakagandang anak, hehe!). Ngunit, isa sa mga tunay na favorite kong litrato ay ang kuhang ito na, ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko ay bumabalot ang kapayapaan sa akin – dahil siguro napaka-free ng shot, napaka-minimalist, at napaka-swerteng nakuhanan ang matayog na paglipad ng ibon. Sana maibigan niyo rin. :)

Happy anniversary ulit, LP! Nawa’y magpatuloy pa sa pamamayagpag ang ating munting samahan. :)
~~~
Ang aking paboritong prinsesa DITO, ang aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: Apr.02.2009 :: Litratong Pinoy :: 14 Comments »











gusto sila pareho mee :) ang simple lang kasi pero marami kang pwedeng emotions na itap :)
Pareho tayo ng akala sa tema, pero tugma pa rin ang entry mo,kasi yan ang favorite photo mo. :D
FickleMindeds last blog post..Food Trip Friday#1
ganda naman ng entry mo mee..kakarelax!! meron akong kuha last week medyo hawig sa kuha mo na syang paborito ko sa linggong ito! sana makasali ako sa lp this week..lam mo na, busy busy kuno..:)
Sobrang ganda na nga ng perlas shot mo e – considering e first entry mo pa lang ito! :) Yung sa akin, parang nakakahiya palang tignan ngayon – hehehe…
At tama ka, “free as a bird” nga ang dating ng second photo – galing ng capture!
Hope all’s well, Mama Mee! Mishu na! Bisita ka naman minsan…
Pinkys last blog post..LP #52: Paboritong Litrato
nice 2nd pic… Happy 1st Anniversary to us all!!! :)
linos last blog post..favorite pic…
Wow! Ang gaganda ng mga kuha nyo samantalang napakasimple ng sa akin. Karamihan ay mga candid shots lamang.
Ang ganda ng perlas na bilog. Ang galing ng lighting. Astig.
Kays last blog post..Litratong Pinoy # 1: Paboritong Litrato
maganda nga! very peaceful and free ang dating!!!! happy anniv
carnations last blog post..LP52: Paboritong Litrato (Favorite Photos)
ang gandaaaa.
sing ganda ng ibon sa taas :)
ako din, may paboritong litrato! :D
may peborits :D
HAPPY ANNIVERSARY ka-LP!!!
yeyes last blog post..peborits – LP#52 Paboritong Litrato
pareho tayo… dahil sa LP eh mas nakaka-enjoy kumuha ng litrato
betchays last blog post..LP: Paboritong Litrato
sis, yung 2nd pic mo, nakaka-relax tingnan. parang nakakabigay ng pag-asa :)
Linnors last blog post..LP: Paboritong Litrato
Tama ka, parang nagdudulot ng kapayapaan, pag-asa at relaxation yung litrato.
Galing ng shot sa pearl earrings! Mahirap ngang mamili ng paboritong litrato pero maganda ang choices mo. Happy Anniversary sa ating lahat!
sassy moms last blog post..LP : Paboritong Litrato
i love the 2nd pix
sana maibigan nyo rin ang aking paboritong litrato
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
yang pagkuha ng ibong lumilipad ang napakahirap na makunan. naku parati ko na lang nami-miss ang ibon hahaha!
iskas last blog post..LP52: Paboritong Litrato