LP19: Ako

Ito ang litratong aking ginagamit bilang avatar kung kinakailangan.
Bakit nga ba mrspartygirl ang aking napag-isipang gamitin bilang “pseudonym” sa larangan ng blogging? Simple lang. Inisip ko lamang kung paano ko pinakamabuting mailalalarawan ang aking kasulukyang buhay sa isang pangalan at ang “mrspartygirl” ang masasabi kong pinaka-tugmang ngalan para sa akin.
“Partygirl” dahil isa akong taong laging sinisikap na i-enjoy ng lubusan ang bawat minuto ng aking buhay. Wala akong pakundangan, basta pwedeng pagka-pulutan ng experience, gagawin ko. Basta pwedeng pandagdag sa pangkwento sa mga magiging apo, gagawin ko. Lahat ng klaseng gimik - mapa-wild, mapa-laidback, mapa-cultured, mapa-jologs - handa kong subukan, o malamang ay nasubukan ko na, haha! Ito ay upang pagdating ng panahon, pwede kong sabihing “been there, done that”. No regrets, ika nga.
“Mrs” dahil ako ngayon ay, obviously, isa nang maybahay. At ang aking mga gimik ngayon ay hindi na katulad ng mga gimik ko noon bilang misspartygirl - ang mga party ko ngayon ay ang aking araw-araw na experience bilang isang asawa, ang aking mga exploits sa kusina, at ang aking paglalakbay tungo sa pagiging mabuting ina - at lahat ito ay ine-enjoy ko ng lubos-lubusan. Partying on, ’til the break of dawn. :)
~~~
Sana’y wala nang wakas na mga hakbang DITO sa aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: Aug.05.2008 :: Litratong Pinoy ::











at ang kyut ng drowing ha….creative na avatar!
Ganyan dapat mabuhay:D Gudluck po sa pagiging maybahay:)
well said. AS ALWAYS :D
eto ang aking lahok…
http://maver.wifespeaks.com/2008/08/lp18-ako.html
ngayon alam ko na ang dahilan:) mahusay!
now I know! :) happy huwebes, meeya.
Magkasing-kahulugan ang ating pananaw. Ako rin, kahit maraming kulang sa buhay ko, di ko pinapalipas ang araw na hindi ako mag-eenjoy.
Ang aking lahok para sa LP ngayong linggo ay narito. Daan ka ha? Salamat!
ang cute naman :)
mabuhay ka mee :) i will say amen to that! hehe.