LP38: Karoling
Nalulungkot ako dahil ang pagkakaroling ay isang tradisyon na aking nakagisnan tuwing Pasko na hindi magawa-gawa ng aking anak dito sa aming malayong tahanan. Nandiyan yung pa-piso-piso na kinikita, yung hahabulin ka ng aso, yung tataguan ka o papatayan wari ng ilaw, ang mga instrumentong gawa sa pinitpit na tansan, at ang mga titik ng kantang mali-mali pero dinadaan na lang sa stage presence. Haay, nakaka-miss.
Kaya heto, ang mga dwende na lang na ito (at isang penguin) ang aawit para sa amin.

Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you. :)
~~~
Isang obra mula sa maestro Levi DITO, ang aking isa pang LP entry.
~~~
By the way, pasensiya na po at hindi ako nakakaikot-ikot sa mga lahok ninyo, mga friends. Pag ganitong panahon kasi ay patong-patong ang mga gawain. Pero sisikapin kong bisitahin kayo ngayong linggo, promise. :)
At ang utang kong mahalagang regalo ay ginawa ko na rin. Bisitahin niyo na rin kung mamarapatin, kung hindi naman ay oks lang. :)
Mahalagang Regalo sa MyMemes
Mahalagang Regalo sa MyParty
MrsWorkingGirl :: Dec.17.2008 :: Litratong Pinoy :: 6 Comments »











Ka-cute naman ng iyong mga carolers! :) Pero tama ka, wala pa ring tatalo sa orig na Pinoy karoling… habulin man ng aso – go pa rin – hahaha! :lol:
Pinkys last blog post..LP #38: Karoling
Ang cute nila :D
Totoo yan. Kapag ganitong panahon, naghahanda na dn kami ng mga barya para sa mga bata. Pagdating ng Pasko, me mga kendi kami, ala-Trick or Treat :D
Ang mga dwendeng nangagaroling,,, ako naman ay may baboy na kumakanta dito http://aussietalks.com/2008/12/litratong-pinoy-karoling.html
JoyDs last blog post..Litratong Pinoy ( Karoling)
Akala ko, may nangangaroling din diyan sa inyo kahit papaano:) Ang kyut naman ng mga carolers mo sa litrato:)
Bat may naligaw na penguin? Magandang Hwebes!
Em Dys last blog post..Himig Pasko
kinareer mo pala yan dati ha, mee. ako naman eh mashadong sheltered ang buhay kaya di ko naranasan yun. hehe.
pareho tayo super busy ngayon. hope you’re doing great mee! *hugs*