LP37: Mahalagang Regalo [Precious Gift]
Masyadong naging masalimuot po ang aking nakaraang linggo kaya naman hindi ako nakapag-sumite ng lahok para sa temang Mahalagang Regalo.
Pero, heto at ihahabol ko pa rin. :)
Hindi lingid sa kaalaman ng aking malalapit na kamag-anak at kaibigan na lubha akong nahirapan sa pagbubuntis. Sa katunayan, naipasya ng Diyos na ibalik sa piling Niya ang aming sana’y naging unang supling. Naging mahirap para sa aming mag-asawa na tanggapin ang pasya Niyang ito, subalit naniniwala kami na ang lahat ng ito ay isang matindi ngunit hitik ng pag-asang pagsubok ng aming pananampalataya na alam naming kaya naming lagpasan.
Hindi naman kami nabigo dahil lumipas lamang ang ilang buwan ay ginulat kami ni Lord. Hindi namin inasahan ngunit biglang ibinigay Niya sa amin ang batang magpahanggang-ngayo’y itinuturing naming pinakamahalagang regalo na sa amin ay ibiniyaya.

Sabi nila, bilang mga magulang, ang pinaka-mahalagang regalo naman na aming puwedeng ibahagi sa mundo ay ang pagluluwal ng isang bata na lalaking isang mabuting tao, maka-Diyos, masipag, handang humarap sa mga hamon ng mundo, maaruga sa kapakanan ng kapaligiran, at magbibigay ng karangalan sa kabuuan ng sankatauhan.
Heto si Ninna, ang aming sana’y maging handog sa mundo.
~~~
Wala nang mas hahalaga pa sa regalong ito, DITO, ang aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: Dec.17.2008 :: Litratong Pinoy :: 2 Comments »











Agree ako sa lahat ng tinuring mo.
Me nawala man, pero napakaganda naman ng kapalit. Pa-hug nga ke Tita Julie, Ninna :)
next time magkakaroon din ako ng ganyang regalo :)
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)