High quality wordpress themes are available for instant download.

LP35: Pagwawagi [Victory]

Litratong Pinoy

Hindi lingid sa kaalaman ng mga sumusubaybay sa aming buhay na napakadalas naming lumipat ng tahanan. Sa limang taon na aming inilagi sa Amerika, may anim na beses na rin kaming nag-alsabalutan at nagpalipat-lipat.

Para sa amin, ang aming bawat paglipat ay maituturing naming pagsubok – sa aming katatagan bilang isang pamilya at sa aming hangarin na mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming anak. Salamat naman sa Diyos at kinakaya namin ang mga pagsubok na ito.

Wagi sa Miami
Wagi sa Miami, sa aming ika-limang paglipat.

Kung tutuusin, maswerte pa rin kami dahil nabibigyan kami ng pagkakataon na mabisita ang mga lugar na hindi naman namin otherwise mapupuntahan. Panalo pa rin sa experience, di ba?

Mahirap man, nagwawagi din. :)

[My family and I live a pretty nomadic life. In the five years that we have lived in America, we have already moved to six various locations - Kentucky (Lexington and Louisville), NC, Texas, Florida, and Georgia. It's a struggle, really, to literally live life in a suitcase. But, c'est la vie, what will not kill you will make you stronger. :)

Besides, as long as my family and I are together, anywhere is Home.]

~~~

Ang pagwawagi ng Team Texas DITO sa aking isa pang LP entry.

« LP34: Madumi (Dirty) || WS26: My Little Party Girl Is Five »

14 Responses to “LP35: Pagwawagi [Victory]”

  1. on 26 Nov 2008 at 4:43 pmJunnie

    ang iyong 2 tropeo! di pagpapalit sa Famas o kay Oscar
    ang iyong 2 gantimpala, wala nang hihigit pa, sila ang tunay mong superstar!

  2. on 26 Nov 2008 at 5:56 pmPinky

    Bilib ako sa napakapositibo mong pananaw sa harap ng mga pagsubok – yan ang tunay na panalo – idol!!! :D

    Pinkys last blog post..LP #35: Ang Pagwawagi

  3. on 26 Nov 2008 at 6:45 pmlino

    korek ka dyan… magandang araw ng huwebes… :)

    linos last blog post..ang pagwawagi…

  4. on 26 Nov 2008 at 9:21 pmJO

    panalong panalo talaga!

    JOs last blog post..Wordless Wednesday: Falls

  5. on 26 Nov 2008 at 10:10 pmluna miranda

    tama yan, always look at the bright side. at basta kasama mo naman ang pamilya mo sa paglilipat mo, adventure lagi yan.:D

    luna mirandas last blog post..Wordless Wednesday: Purple

  6. on 26 Nov 2008 at 10:14 pmLinnor

    mukhang masayang pagsubok ang paglipat-lipat sa ibang (magagandang) lugar. pero nakikita ko rin ang hirap na kailangan nyong pagdaanan sa tuwing lilipat kayo. :)

    Overflow
    Captured Moments

    Linnors last blog post..LP: Ang Pagwawagi (Triumph)

  7. on 26 Nov 2008 at 11:21 pmtanchi

    napakatatag:)
    waging-wagi ka sa knila:)

    maligayang LP

    check mo rin lahok ko:)

  8. on 26 Nov 2008 at 11:29 pmShutterHappyJenn

    Waging wagi talaga ang istorya mo! Nawa ay lalo kayong maging matatag.

    Ang LP entry naming magkapatid ay makikita dito at dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!

    ShutterHappyJenns last blog post..Pagwawagi (Triumph)

  9. on 26 Nov 2008 at 11:54 pmFickleMinded

    wow! anim na beses na paglilipat,pang dalawa pa lang namin ito within 6 years at feeling ko ay di ko na kakayanin.
    happy LP and Happy Thanksgiving!!!

    FickleMindeds last blog post..LP#9:Ang Pagwawagi

  10. on 27 Nov 2008 at 3:02 amSreisaat

    Keep on keeping on, kasi di ba, sabi ng mga matatanda, sa bawat pagsubok ay may kapalit na tagumpay. Good luck.

    Happy Thanksgiving nga pala – at ang ku-kyut ng iyong mag-ama :)

    Sreisaats last blog post..Fun and funky holiday frames from ZenniOptical

  11. on 27 Nov 2008 at 5:06 amWeng

    masarap at matamis ang pagwawagi ninyong tatlo dahil kayo ay sama-sama. ;) dito na kayo lumipat sa susunod! :D

    Wengs last blog post..LP #35: Ang Pagwawagi (Triumph)

  12. on 27 Nov 2008 at 8:36 amjulie

    Basta sama-sama, kayang-kaya yan :)

  13. on 27 Nov 2008 at 10:25 amMarites

    tama ka diyan..sa lagi naman, dapat nakikita natin ang katuwaan at kabutihan sa bawat pagsubok. maligayang LP sa iyo.

  14. on 27 Nov 2008 at 11:21 amThess

    Maari bang sumama sa ika pitong paglipat para makapag travel din ha ha!

    tama si Junnie, ang 2 mong tropeo..yahooo! waging wagi!

    Thesss last blog post..paparazzo, me?

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.