LP34: Madumi (Dirty)

Actually, hindi naman madumi - makalat lang.
Tuwing umaga, lalo na kung sinisipag ako, itong pathway na ito ang aking nilalakad-lakaran. Kasagsagan na ng taglagas dito sa amin kaya kahit kakalinis lamang ng daan na ito nung kinagabihan, marami na ulit mga dahon na nakahandusay ngayong umaga.
Paborito ko ang panahon ng Fall dahil sa ganda ng panahon at ganda ng mga kulay sa paligid. Pero buti na lang at sa apartment kami nakatira kaya may taga-linis nitong mga ito dahil kung sa sarili namin itong bahay, baka hindi namin kakayanin ng aking trusty walis tingting. Hindi naman pwedeng hindi linisin ito dahil may kabahuan kapag nabulok.
Ganda no? Sarap magpa-gulong-gulong sa maruming lapag, heheh!
(It’s not exactly dirty - just a wee bit messy. That’s autumn for you, my dear friends.
I love walking down this path every morning, especially now when I can hear and feel the crush, crush, crush, of the dried leaves underfoot whenever I take a step. It’s such a liberating feeling knowing that you can step on the old (hopefully not leaving it to rot) and then inhaling the promise of rebirth that’s sure to be on its way.)
~~~
Kaya hindi pwede ang puti sa akin, DITO sa aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: Nov.19.2008 :: Litratong Pinoy ::











napakaganda at napakakulay na kalat nito, sis meeya ;)
NeLLs last blog post..Litratong Pinoy #34: Madumi
hindi madumi yan sa akin… paborito ko kasi ang autumn.
JOs last blog post..Have you heard?
ang creative ng dumi na ito :) sana laging ganito ang dumi hahah!
maligayang LP. Up na rin ang akin:
http://stripeatyellow.com
http://elegancefoodandwine.com
SOMETHING PURPLEs last blog post..wordless wednesday #32
Ang pinakamagandang kulay ni mother earth ay ang taglagas! hilig ko din mglakad at piktyur jan…Happy LP!
gzels last blog post..Ruby Tuesday - Sleepyhead
Napakamakulay naman ng kalat na ito :)
Nag-umpisa na din maglagas ang mga puno sa gilid namin, hay, babara na naman ang mga alulod na bubong :(
Sister, malinis pa ito compared sa ganyan ding lagas na dinadaanan namin ni Charlie, pero laging basa at ina-anuhan ng mga doggies…ewww
hanubuh! naglaway naman ako sa tsokolate dahil sa anti spam mo he he
ang ganda talaga ng mga dahon pag autumn ‘no, yun nga lang ang hirap linisin (dahil pagkawalis , maya maya heto na naman…)!
pinings last blog post..Madumi
uyy, ang ganda namang kalat nyan! parang pwede rin sa photofriday ah :)
ito yata ang pinakamagandang kalat sa lahat :)
iriss last blog post..It’s that time of the year again
naalala ko ang kawayan sa mga lola ko. parang autumn na rin pag may tanim na kawayan - marami ring nahuhulog na dahon :)
ninas last blog post..LP - Kinagisnan
great minds think alike…
or pwede ring magaling akong kumopya
http://pic.blogspot.com/2008/11/marumi.html
di ba Marumi at hindi madumi?
ganda talaga ng kulay ng dahon ng autumn…. pasensya na at ako’y nahuli, pakisilip ang aking lahok… :)
linos last blog post..madumi…(dirty)
mangilan-ngilan lang ang punong nagiiba ang kulay at nalalagas ng dahon dito sa amin kaya wala masyadong impact. hee hee. :) nakikitingin na lang ako sa litrato ng mga tulad ninyong nakakaexperience talaga ng fall. :D
Wengs last blog post..My Two Cents on Twilight