LP33: Kinagisnan

Kahit nandito na kami sa kaharian ng shower at tissue paper, hindi pa rin pwedeng talikuran ang kinagisnang paboritong kaagapay sa palikuran - ang tabo. Sa totoo lang, itong mga ito ay ang dalawa sa mga unang-una naming inimpake noong kami ay umalis ng Pilipinas. Kita niyo naman, nagbaon din kami ng mini-version para sa aming anak para naman, tulad namin, ito na rin tuloy ang kanyang makagisnan.
Hindi nga ba’t hindi kayang ipagpalit ang kaginhawaan at kalinisan na dulot nila. Tama? :)
~~~
Itaktak mo, DITO sa aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: Nov.12.2008 :: Litratong Pinoy ::











tumpak!
JOs last blog post..Wordless Wednesday #8
Korekek!
thesss last blog post..Musika (LP 33: Kinagisnan)
indeed!
Emen!!!! Di pa ako nagkasya diyan. Bumili rin ako ng malaking kawali at inimpake ko rin yun! :D Ewan ba pero mas masarap ata ang luto ko pag sa kawali ko niluluto. :D
dphatgirls last blog post..Thoughts at 4 am
yan ang di ko nakasanayan…kaya medyo hirap sa Pinas lalo na sa Paranaque dahil walang shower doon :)
Korek ka jan!!!
Magandang araw!!
Eto ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/11/lp-kinagisnan.html
Joys last blog post..Who told my kids to grow up?!
mga kasangkapang pang-banyo na nagpapaaala sa atin na tayo’y pinoy! :)
ayos sa kinagisnan :)
dyess last blog post..WS: Mud Slide
Habang sinusulat ko ang lahok ko, napag-usapan namin ng aking kapatid ang tema ngayon at biglang sinabi ng aming ina, “Ako, nakagisnan kong maligo gamit ang tabo at balde.” Parte talaga ng pagiging pinoy ang paggamit ng tabo.
Eto ang aking lahok, and eto naman ang lahok ng aking kapatid. Magandang araw ng Huwebes!
ShutterHappyJenns last blog post..Kinagisnan
korek with a big check! can’t live without it!
Nandito po ang akin.
Magandang Huwebes!
peachkinss last blog post..Pandesal at Kape
di ko talagang umupo sa trono kung wala akong katabing tabo. ayos sa lahok ah :)
cookies last blog post..Litratong Pinoy : Kinagisnan
korek!!!
ako din di mabubuhay ng walang tabo :)
ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-kinagisnan.html
ang ganda ng konsepto mo:)
good job
maligayang LP
MONKEYMONITOR.BLOGSPOT.COM
Ang tabo, bow! Tama ka Meeya, isa yan sa mga indispensable na gamit nating mga Pilipino :)
julies last blog post..Kinagisnan
korek ka .. sis ko nga kahit sa abroad d pwedeng mawala yan.. sabi ng asawa nyang aussie ano daw yon panghugas ng ***** bleep bleep hahaha
jennyLs last blog post..: My New Lens Baby !!!
*lol* Aliw ako sa lahok mo! Shempre, sino ba naman sa ating mga Pinoy ang di alam ito o di gumagamit/nakagamit ng tabo?
Sreisaats last blog post..Litratong Pinoy #16: Kinagisnan
Tama ka dyan!!! Pag kami ay nangingibang-bansa, sinisigurado kong may baon akong tabo sa maleta!! Pinoy na Pinoy din ito ano?
tonis last blog post..Ang kinagisnang mga ngiti sa may gate
korek ka talaga dyan…sabi nga nila basta may tabo may Pinoy. hehe ako din may baong ganyan dito sa down under…hehehe.
narito po ang sa akin: Reflexes at Living In Australia
RoseLLes last blog post..Beach All Over
pag pinoy, siguradong may tabo sa bahay! Kami rin may tabo pero nabibili dito iba lang ang shape at handle.
sukatan talaga ang tabo nang pagkapinoy ng isang tao. hahaha! kaya ang anak ko, kahit lumalaki dito sa amerika, pinoy na pinoy pa rin. marunong yatang gumamit ng tabo ‘yun! :)
Wengs last blog post..My Two Cents on Twilight