High quality wordpress themes are available for instant download.

LP30: Liwanag (Light)

Litratong Pinoy


Lourdes Legaspi Lagman vda. de Liwanag

Nais ko pong ipakilala sa inyo ang aking lola. Siya kaagad ang unang pumasok sa aking isip para sa temang “Liwanag” ngayong Linggong ito sa LP dahil, bukod sa kanyang apelyido, kung meron man tayong tinatawag na ilaw ng tahanan, ang aking lola naman ay aming grand-ilaw. :)

Kakaiba ang taglay na liwanag ng aking Apo Loleng. Mula sa kanyang katawan ay umusbong ang anim na anak, na kung saan ang aking sariling ina ay ang siyang panganay. Nalagpasan nila ng aking lolo ang ikalawang digmaang pandaigdig, iginapang sa hirap ang kanilang mga anak, at hanggang ngayon ay patuloy pa rin nagbibigay ng kakulitan, kasiyahan, at paggabay sa aming pamilya lalo na sa mga panahon na nababalutan kami ng kadiliman ng problema.

Tunay ngang angkop na angkop sa kanya ang kanyang pangalan. Wala talagang hihigit pa sa kinang ng aming pinakamamahal na Liwanag.

~~~

Kahit madilim, maliwanag pa rin DITO sa aking isa pang LP entry.

« Investment Expert || Shop, Confess, and Win »

22 Responses to “LP30: Liwanag (Light)”

  1. on 22 Oct 2008 at 1:50 pmsi kap

    Ay tunay ang sinabi mo, walang hihigit sa liwanag na dulot ng isang ina.Happy LP!

  2. on 22 Oct 2008 at 2:27 pmFickleMinded

    naalala ko rin tuloy ang aking lola!

    FickleMindeds last blog post..LP#5:Liwanag(Light)

  3. on 22 Oct 2008 at 2:41 pmJay

    syang tunay

    di ko naisiup ‘to ah :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

    Jays last blog post..LP#30: Liwanag (Light)

  4. on 22 Oct 2008 at 2:57 pmThess

    Buti ka pa may lola pa..naalala ko tuloy lola ko.

    Tama ka, Isang grand ilaw nga si lola mo :)

    Thesss last blog post..You sang to me

  5. on 22 Oct 2008 at 3:27 pmnelli

    this is such beautiful entry, sis meeya. a wonderful way of bringing sunshine into your lola’s life. mwaaah!

    nellis last blog post..Litratong Pinoy #30: Liwanag

  6. on 22 Oct 2008 at 4:13 pmces

    pero totoo vda de Liwanag si lola? hehe..

    cess last blog post..Litrato: Light

  7. on 22 Oct 2008 at 4:59 pmPinky

    Ika nga ng isang famous billboard sa Pinas: “Ganda ng lola moh!” :D Inside and out, I’m sure, di ba? ;)

    At di lang maganda, kumukuti-kutitap pa ang liwanag na ibinibigay niya sa buong pamilya. Na-miss ko tuloy yung yumao kong maternal lola… :(

    Pinkys last blog post..LP #30: Liwanag

  8. on 22 Oct 2008 at 9:19 pmcarol bustos-santiago

    awwww :)

    carol bustos-santiagos last blog post..LP Liwanag

  9. on 22 Oct 2008 at 10:05 pmlino

    nice… happy huwebes… :)

    linos last blog post..liwanag…

  10. on 22 Oct 2008 at 10:42 pmjeanny

    Ito ang tunay na liwanag…..

    Ikinagagalak ko makilala si lola Liwanag :)

    jeannys last blog post..Dinner served for him

  11. on 22 Oct 2008 at 11:35 pmmaver

    tunay nga’t kakaibang liawanag ang binibigay ng mga ilaw ng tahanan :) happy lp!

    eto po ang aking lahok…
    http://maver.wifespeaks.com/2008/10/lp-liwanag.html

    mavers last blog post..NOW SHOWING

  12. on 23 Oct 2008 at 1:37 amkomski

    ibang liwanag nga yan:) tungkol rin sa lola ko ung LP ko, pero iba naman…

    komskis last blog post..Tanging liwanag

  13. on 23 Oct 2008 at 2:09 amGirlie

    ang ganda ng term “grand ilaw”

  14. on 23 Oct 2008 at 2:27 amClicking Away

    Meeya, ang galing at nag swak si Lola Loleng sa ating tema ngayon. Tama si Nell, ito ay isang magandang paraan ng pagdiriwang sa buhay ng iyong lola.

    Clicking Aways last blog post..LP030 - Liwanag

  15. on 23 Oct 2008 at 3:56 pmnina

    maswerte ka at may lola ka pa. Ako, wala na pareho yong lola ko. Kakamiss sila :)

    ninas last blog post..LP - Liwanag

  16. on 23 Oct 2008 at 5:14 pmG_mirage

    very unique interpretation meeya! Agree ako sa kanila!

    G_mirages last blog post..Ruby Tuesday - Background

  17. on 23 Oct 2008 at 8:07 pmJO

    maligayang paglitrato.

    Eto ang aking lahok. Salamat.

    JOs last blog post..Litratong Pinoy: Liwanag

  18. on 24 Oct 2008 at 12:29 amkaye

    naaalala ko din tuloy ang aking lola (apo sa tuhod na nya ako at apo na nya sa talampakan ang tsikiting ko). mahilig din kasi syang magpakuha ng picture sa amin.
    magandang araw!

    kayes last blog post..LP: Liwanag

  19. on 24 Oct 2008 at 3:49 amCookie

    wala ng tatalo sa liwanag na ipinamamahagi ng isang ina :)

  20. on 25 Oct 2008 at 9:36 pmdoll me up

    amen to that talaga ngang grand ilaw na maituturing :)
    happy LP mama mee!

  21. on 26 Oct 2008 at 9:45 amReflexes

    ang liwanag ng kuha ni Grandma…kasing liwanag nang pagpatnubay nila bilang ina na umaagapay sa twina. champion talaga si lola Loleng! puro nagsisimula sa ‘L’ bagay na bagay na itanghal sa ‘L’itratong Pinoy :)

    Reflexess last blog post..Bookworm

  22. on 28 Oct 2008 at 10:11 amWeng

    ang Nanay Conching ko din, my maternal lola, ang tagal niyang nagdala ng liwanag sa aming mga buhay. masuwerte tayo sa ating mga nagniningning na mga lola. :D

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.