High quality wordpress themes are available for instant download.

LP28: Luma Na (Something Old)

Litratong Pinoy

Ito ay ang USS Yorktown na matatagpuang nakadaong sa Patriot’s Point sa Charleston, South Carolina bilang isang barkong museo. Ito ay isang aircraft carrier na ginamit ng mga Amerikano sa ikalawang digmaang pandaigdig.

(Pictured above is the USS Yorktown, an old aircraft carrier used by the Americans during WWII. It now serves as a museum and is permanently docked at Patriot’s Point, South Carolina.)

Buti pa nga itong barkong ito nakarating na ng Pilipinas samantalang ako, matagal-tagal nang hindi.

(Come to think of it, this huge boat is luckier than I am – it has actually been to the Philippines quite a few times, while I haven’t been home in a while.)

Lumahok ito sa Battle of the Philippine Sea noong Hunyo 1944, sumuporta sa Invasion of Leyte noong Nobyembre 1944, at sumali sa mga air strikes sa Lingayen noong sumunod na Disyembre.

(This aircraft carrier participated in the Battle of the Philippine Sea in June 1944, the Invasion of Leyte in November 1944, and during the air strikes in Lingayen in December 1944.)

Buti na lang at inuwi na ito ng mga Amerikano pabalik ng Tate at hindi na-donate sa mga pinoy dahil, kung iniwan pa nila ito sa Pilipinas, malamang ginagamit pa rin ito ng Philippine Navy hanggang ngayon, hehe.

(Its a good thing that the Americans took home this baby and didn’t think to donate it to the Philippines. Otherwise, the Philippine Navy may still be using it until now. :D)

~~~

Isang luma ngunit warm na Hello, DITO sa aking isa pang LP entry.

« Discount AC Parts || ShopWiki.Com »

21 Responses to “LP28: Luma Na (Something Old)”

  1. on 08 Oct 2008 at 6:34 pmPinky

    Natawa ako sa huling hirit mo – hehehe! :D Pero malamang nga gamitin pa rin ng Philippine Navy yan dahil mukhang mas maganda pa rin kondisyon niya kesa sa mga nandoon sa atin… haayyy… kalungkot pero totoo…

  2. on 08 Oct 2008 at 9:34 pmFickleMinded

    he he he,tama ka sa iyong kongklusyon :D

  3. on 08 Oct 2008 at 9:44 pmSugarplumfairy_lyn

    Wow nakakamangha naman yan! Sayang nga naman ang history na nakapaloob sa barko kung hindi na gagamitin, maganda nga ito, at least nakikita ng mga tao.

    Ang aking lahok ay naka-post na dito. Dumalaw na rin ako para sa kapatid ko, ang kanyang lahok ay naka-post dito. Sana makadaan ka. Happy LP!

    *** Jenn ***

  4. on 09 Oct 2008 at 1:37 amJay

    wow!!!!!!!!!! gusto ko ring makakita ng aircraft carrier. fascinated tala ako sa mga war ships & planes….

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)

  5. on 09 Oct 2008 at 2:44 amClicking Away

    super laki niyan meeya… napansin ko kung gano kaliit yung puting bangka sa tabi niya. ang dami ding nakadisplay na eroplano no… wow! pwedeng-pwede na nga sa naval and air fleet ng Pinas!

  6. on 09 Oct 2008 at 3:00 amLinnor

    Haunted na rin kaya yan kagaya ng Queen Mary? :) Sensya na, halloween mode. Hehehe…

    http://linnormarikit.wordpress.com/
    http://moonlight-mom.blogspot.com/

  7. on 09 Oct 2008 at 3:12 amceztlavie

    ang interesting naman ng entry mo, mama mee :D

  8. on 09 Oct 2008 at 5:07 amGirlie

    natawa naman ako dun sa huling statement mo…malamang nga ginagamit pa hanggang ngayon

  9. on 09 Oct 2008 at 9:19 amLynn

    Ang ganda ng pagkakakuha. Haha, para bang mga lumang eroplano na ang bansag ay “tora tora” na ginagamit pa hanggang ngayon dito sa Pilipinas. :D

  10. on 09 Oct 2008 at 9:35 amettey

    ganda!!

  11. on 09 Oct 2008 at 1:11 pmces

    ang ganda ng larawan! para kong na-imagine nakatayo ako jan:), jan sa pwesto mo nung kinunan mo ito:)

  12. on 09 Oct 2008 at 3:02 pmWeng

    naku, hindi malabong gamitin nga iyan ng philippine navy kung naiwan iyan sa pinas. naalala ko naman tuloy ang battleship texas sa houston. hindi kaya yun naapektuhan ni ike? hmmm…

  13. on 09 Oct 2008 at 3:41 pmG_mirage

    NAtawa ko sa last sentence! onga imbes na idisplay gaya ng ginawa nila jan eh baka yan yun pinanglalabanan hehehe…..cool entry sis! Galing! Happy LP!

  14. on 09 Oct 2008 at 8:38 pmeloise

    haay sad but true!!! Malamang gagamitin pa nga yan ng Phil. NAvy kung hindi naiuwi sa amerika.

    Humahaba ang listahan ko ng mga gustong mapuntahan.

    Happy LP

  15. on 09 Oct 2008 at 10:38 pmJO

    wow! you know your history!

    Eto ang aking lahok. Salamat po.

  16. on 10 Oct 2008 at 12:04 amkarmi

    may parang ganyan din ung napuntahan namin sa may Corpus Christi.. astig ung loob. :D

  17. on 10 Oct 2008 at 1:34 ammarites

    tunay ka, kung napunta sa Pinas iyan..nagtatrabaho pa iyan ngayon LOL!

  18. on 10 Oct 2008 at 2:12 amjulie

    Ahahaha..tama ka, malamang ginagamit pa din yan dito kung iniwan sa ating bansa :D

  19. on 10 Oct 2008 at 8:30 pmfortuitous faery

    tama ang huling hirit mo….hindi ba mga tora-tora ang gamit ng airforce sa pinas? hehe :P

  20. on 11 Oct 2008 at 3:14 amiris

    may laman ka pa rin sa kanya mee. at least ikaw ginawa sa pinas, diba? :)

  21. on 12 Oct 2008 at 6:39 amtin

    at kung hindi man ginagamit as barko, malamang tinitirhan na yan sa atin. hi hi. :)

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.