High quality wordpress themes are available for instant download.

LP24: Pilak

Litratong Pinoy

Minsan isang umaga ay napagpasyahan naming maglakadlakad ng aking kaibigan palibot sa mahalamang bahagi ng aming inuupahang tahanan. Pagkawari’y biglang napatingin ako sa isang bahagi ng hardin na kumikislap-kislap sa araw. Aba, akala ko ay nakatuklas ako ng mamahaling hiyas!

Iyon pala, ang mga mala-pilak na kislap ay nagmumula sa mga butil ng tubig na nabilanggo sa masinsin na sapot ng kaibigang gagamba!

Tunay nga, hindi lamang ang mamahaling mga alahas ang nakakapagbigay ng kaaya-ayang kinang at kaligayahan, ang inang kalikasan man ay may mga kakaibang hiyas na nakakapagpayaman sa ating pagkatao.

Ika nga ang kasabihan: hindi lahat ng kumikinang ay ginto (or pilak, as it were).

~~~

Ang unang pangalang sumasagi sa isip kapag nabanggit ang salitang pilak DITO sa aking isa pang LP entry.

« Tagged [Kiddie Reads] || WS22: Autumn Upon Us »

9 Responses to “LP24: Pilak”

  1. on 11 Sep 2008 at 10:18 amDyes

    ang ganda naman ng picture! mainam pala ang tubig sa sapot ano? :)

  2. on 11 Sep 2008 at 10:23 amJO

    ang ganda! skip ko una ang LP… wala akong mahanap na litrato eh.

  3. on 11 Sep 2008 at 7:29 pmWeng

    aba aba aba! napakapropeysyunal ng dating ng litrato ah! :D pang panauhing litratista ang dating ah! :)

  4. on 11 Sep 2008 at 7:44 pmbluep

    talaga naman kapatid astig ang mga kuha mo. pang magazine ang dating. Hindi ko talaga alam kung pano nyo nagagawa yan pero ang totoo hanga ako. ang galing

  5. on 11 Sep 2008 at 8:02 pmkathycot

    ang ganda!!!

  6. on 11 Sep 2008 at 9:06 pmzel

    ang ganda nga! haneep!! astig!!:)

  7. on 11 Sep 2008 at 9:19 pmlino

    ah… nkasapot pala… :)

  8. on 11 Sep 2008 at 10:00 pmReflexes

    oo nga basa din ang entry mo…mga mumunting pilak :)

    Dalawa na po ang entry ko…sana ay mabisita mo. http://manillapaper.com/2008/09/lp-silver/ at http://livinginau.com/2008/09/coins-in-australia/

    Salamat!

  9. on 12 Sep 2008 at 2:42 amlidie

    oonga, tama ka! ang ganda ng entry mo!

    magandang araw sa’yo!
    http;//www.beybi-gurl.blogspot.com

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.