High quality wordpress themes are available for instant download.

LP21: Mithi

Litratong Pinoy

Hindi ba’t kapag nakikita natin na mahimbing ang pagtulog ng ating mga anak, tila nababalutan rin tayo ng kakaibang kapayapaan?

Minsan, minimithi ko rin ang makatulog ng mahimbing, tahimik, tuloy-tuloy, walang inaalintana, walang ikinakatakot, at walang iniisip. Isang masarap na tulog na kung saan sa iyong paggising ay alam mong maganda at bago na ulit ang mundo, bukas ang mga bisig nito sa iyong mga panibagong pagtuklas, at hindi matatawaran ang pag-asa.

Ngayong tayo ay mga ganap nang may edad o di kaya’y ganap nang mga magulang, tila yata’y mailap na ang mahimbing na pagtulog. Siguro, hindi na natin kayang alisin sa ating diwa ang mga pangamba na dala ng kinabukasan.

Subalit, ok lang yun. Kahit na manatili na lamang mithi ang mapayapang paghimbing para sa atin, as long as manatiling maganda ang araw-araw na paggising ng ating mga minamahal na anak o mahal sa buhay, kahit mawalan na ng saysay ang matinding alindog ng kama, unan, at kumot ay ayus lang.

~~~

Hindi naman masamang mangarap, DITO sa aking isa pang LP entry.

« || »

19 Responses to “LP21: Mithi”

  1. on 21 Aug 2008 at 1:43 amSOMETHING PURPLE

    ang ganda naman ng sinulat mo kinilabutan ako hehe!

    ako din paborito ko ang pagmasdan si ethan habang natutulog.

    Stripe&Yellow
    Living the Healthy Life
    Vanity Kit
    Something Purple
    Em’s Detour

  2. on 21 Aug 2008 at 11:40 amJay

    ako din mithi kong matulog nag mahimbing kasi late na ako nakakatulog kahit maaga akong nahiga. minsan nga 11pm ako nahiga, 5am d pa ako nakatulog :(

  3. on 21 Aug 2008 at 11:50 amWeng

    uy! pareho tayong may reference tungko sa pagtulog sa gabi. gusto ko na talagang magpahypnotize at magparegress para malaman ko ang ugnayan nating dalawa sa past lives natin! hahaha! :)

    nakakatuwang panoorin ang mga chikiting natin pag natutulog. si abby, nasa best behavior niya talaga pag tulog. huhuhu. :)

    Mithi sa Munchkin Mommy
    Mithi sa Mapped Memories

  4. on 21 Aug 2008 at 12:20 pmjeanny

    ay gusto ko rin yan. matulog ng relax at pag bangon ay relax pa rin ang isip. Hay dami kasing pumapasok sa isip ko kaya hirap ako talga matulog :)

  5. on 21 Aug 2008 at 12:25 pmJO

    ang sarap ng tulog ni Nina. sarap talagang pagmasdan ang batang natutulog.

  6. on 21 Aug 2008 at 1:08 pmfortuitous faery

    kahit hindi ako ina, nakakarelate ako dahil sa karanasan ko sa mga pamangkin kong makulit…at sobrang kapayapaan pag sila’y tulog! haha

  7. on 21 Aug 2008 at 8:07 pmettey

    mahilig din ako kumuha ng litrato ng batang natutulog, mga biktima ko lagi eh yung mga pamangkin ko hehehe! ang sarap kasi nilang pagmasdan lalo na kung himbing na himbing na, minsan pa nga tulo laway pa hahaha!!

  8. on 21 Aug 2008 at 8:56 pmkomski kuno

    At di ba ang sarap nila pagmasdan pag maaliwalas ang pagtulog?:D

  9. on 21 Aug 2008 at 9:05 pmmaan

    awww, she’s sp beautiful and peaceful. huwaw, MBA! why don’t you continue, like me, one or two classes at a time, when sked permits. i’m sure that would be quite hard to manage, pero malay mo ;)

    di bale, pag may children’s book na ako, babalitaan kita :D pero baka hindi na child ang anak mo if that comes out! hahaha.

    happy weekend!

    http://mysilverchair.blogspot.com

  10. on 21 Aug 2008 at 9:56 pmsardonic nell

    cute ni ninna, pakurot nga. hehehe ;)

  11. on 21 Aug 2008 at 11:44 pmLitzie

    Napakagandang pagmasdan ang mga batang tulog na tulog na walang iniisip di ba? Minsan ako rin kahit tulog na parang marami pa ring nasa isip, gigising ako na para bang di ako nakatulog.

  12. on 22 Aug 2008 at 2:23 amjennyL

    oo nga napakagandang pagmasdan ang bata habang natutulog para silang walang problema na at at peace na at peace sila.

  13. on 22 Aug 2008 at 4:27 amG_mirage

    sabi nga, ang mkapagpapatulog ng baby ang pinakamapayapang pakiramadan…(or soemthing to that effect)…Sa ngayon sa imperpektong mundo ay mailap ang kapayapaan….kaya ng ang minimithi ko ay paraisong lupa para lahat masaya…

    Happy LP!!!

  14. on 22 Aug 2008 at 8:19 amalpha

    korek ka sa sinabi mo, meeya.. ako din, parang iilan lang yung gabi na masasabi ko na ang sarap ng tulog ko..

  15. on 23 Aug 2008 at 9:50 amJoyD

    Napakaganda ng iyong pagsulat!!!!
    tamang tama matutulog na ko …

    eto ang sa kin http://aussietalks.com

  16. on 23 Aug 2008 at 11:33 pmMommy Sheng

    himbing ng tulog ni ninna… sana makatulog din ako ng ganyan hay….sarap siguro… di ko na kasi matandaan kailan ako last natulog ng mahimbing.

  17. on 24 Aug 2008 at 10:51 pmibyang

    bakit nga ba pag “matured” na tayo eh parang minsan lang na makahimbing ng tulog??

    wish ko din yang wish mo lalo na pag pagod ako.

    salamat sa pagdalaw sa aking lahok :)

  18. on 25 Aug 2008 at 7:51 pmPinay MegaMom

    May nagsabi nga na happiness is to be able to sleep through the night. Maraming may problema insomnia, yung karamihan dulot ng kung anuanong pinagkakaabalahan sa buhay.
    Cute ng kuha mo ha!

  19. on 26 Aug 2008 at 4:29 amDyes

    :) naa-amaze ako na pare-parehong mag-isip ang mga mommies. nung weekend ay naisip ko na lagi sanang bata ang baby ko para hindi sya magworry katulad ng parents nya :) di bale, lagi namang me awa ang Diyos :)

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.