LP20: Liwaliw

Ebidensiya ng aming mga pagliliwaliw.
Alam ko na ang litratong ito ay medyo pamilyar na sa nakakarami. Nagamit ko ito kamakailan sa Ref Door Project #2 ni Toni at ginamit ko rin bilang pang-showcase ng aking collection sa WifeSpeaks.
Ito ay litrato ng aming refrigerator (pridyider?) na pinagdikitan ko ng mga magnets na aming nakolekta sa mga pagliliwaliw namin dito sa America.





Sa loob ng limang taon, kami ay nakapagliwaliw sa mahigit na dalawampung states, labing-pitong beaches, labing-tatlong pinagsamang water at theme parks, dalawang space centers, tatlong race tracks or speedways, siyam na zoos at aquariums, labing-isang lighthouses, di mabilang na malls at outlets, nakapanood ng labing-dalawang live shows at concerts, nakapagmaneho ng mahigit dalawampu’t-limang rental cars at nagkarga ng mahigit apat na libong milyahe sa pagmamaneho, nakasakay sa eroplano at lumanding sa mahigit sampung iba-ibang paliparan, at nakatikim ng iba’t-ibang putahe sa di ko na mabilang na kainan.
Lahat ng ito ay isinasalarawan ng aming mahigit na dalawang-daang magnets.
Hindi, hindi kami mahilig magliwaliw. :)
~~~
Kung ikaw ang papapiliin, saan sa pito ka magliliwaliw? Tignan DITO sa aking isa pang LP entry.
MrsWorkingGirl :: Aug.14.2008 :: Litratong Pinoy ::











marami din akong kaibigan na nangongolekta ng mga fridge magnet. napakaganda nga pag pagmamasdan mo sila. sa susunod nga mangongolekta na rin ako nyan. maligayang araw ng huwebes!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-20-liwaliw-sa-disneyland-paris.html
tuwang-tuwa talaga ako sa inyong magnets! punung-puno ng travel history ang pinto ng inyong fridge. :D
the ultimate souvenir–fridge magnets! hehe. dati nangongolekta kami kaso super cluttered na yung fridge door so we stopped. :P
mga ebidensya ng iyong pagiging lakwachera, este pagliliwaliw pala, hehehe! wish ko lang na ganyan kadami ang aking fridge magnets, nawala kasi yong iba habang kami’y nagmomove. anyhow, happy thursday to you. miss na kita hah, mwaaah!
Hi Meeya,
gagayahin ko ang fridge mo! kailan ko kaya mapupuno yun akin???
Ito ang aking lahok — http://www.joarduo.com/2008/08/litratong-pinoy-liwaliw.html
HUWAW iyan lang ang masasabi ko!
pangarap ko din iyan habang andito, malay mo mapadpad kami sa ibang ibayo hee.
Hmmmm….parang nakita ko na ang mga magnet sa ref na iyan….(naalala ko na sa page ni Batjay!)
Ako din ay nagkokolekta ng mga bagay bagay mula sa mga pagliliwaliww, nung huli bumili din ako ng magnet pero paguwi saka ko narealize wala pala akong pagdidikitan dahil ang ref namin custom made me kahoy pa sa labas lol…
Anyway, andami nyan…..haaaay…..sabi ng matatanda me nunal sa paa hehe…Happy LP!
Hindi nga kayo mahilig magliwaliw ;)
Ang ganda naman ng koleksyong yan, sasabihin ko pa rin yun kasi hindi ko nasabi dun sa ref door project :)
Kumusta ka na Mee?
walang-wala ang fridge namin. 1/4 lang ang portion na puro magnets. galing ng collection nyo ha. :)
wow!daming magnets nyan ha!! nakakatuwa naman ^_^.
ang ganda ng mga collectible magnets mo. paano kung wala nang space na pagdikitan? bibili ka ng bagong ref? hehehe. happy weekend!
http://mysilverchair.blogspot.com
cool…. dapat ka ng bumiling bagong ref….
naku, ipapakita ko ito sa nanay ko. :D hehehe..
ngayon pa lang kami nagsisimulang mangulekta ng mga ref magnets.. :) ang galing naman, talagang mahilig kaung magliwaliw.. ^_^
Ngayon lang ako nakakita ng napakaraming refrigirator magnets sa tanang buhay ko… Napakarami nyo nang napuntahan dyan sa Amerika. Nakakatuwa.
Salamat sa pagbisita sa aking LP ngayong linggo. Sa uulitin.
certified lakwatsera ang pamilya nyo! hehehe!
hi ate :)
wow, ang ganda naman ng ref ninyo. ang daming magnets. :) im sure marami ring laman yung ref nyo na makakain :)
Dami nyan a! Halata nga na nde kayo mahilig magliwaliw! Lolz.
wow! ang dami na pala ng magnets mo meeya.. ang galing ha..
puedeng puede kang magsulat ng travel blog sa dami ng napuntahan ninyong mag-anak. sana dumami pa lalo ang magnets nyo. ;)
ang ganda, ang galing…bilib bilib talaga. di na kasya sa pridyider mo :D yung sa aking pagliliwaliw kalahati pa lang ng pridyider ko..hehe.
lalo tuloy akong naingganyong mangolekta pa…tenk u!
hindi nga kayo mahilig magliwaliw hehehe, kung napapanood mo yung show ni manny pacquiao sa Pinoy TV-7 yung Pinoy records, sa tingin ko pasok kayo dito ;D. Pano nyan puno na ang pridyider nyo saan ka naman nagdidikit ng bago?