High quality wordpress themes are available for instant download.

LP16: Luntian

Litratong Pinoy


Ano ito, ika ninyo?

Ang berdeng crayola na ito ay ipinasok ng aking anak sa kanyang ilong noong nakaraang taon. Hindi nga siya tumalon sa mataas na tulay o gusali ala Dante Varona pero, naman, muntik ko pa ring ika-atake sa puso ang stunt niyang ito. May kukulayan ba kasing puno o kermit the frog sa loob ng ilong at naisipang gawin ito?

~~~

Luntian kong mundo DITO sa aking isa pang LP entry.

« About Conveyors || Tagged [123 Book Tag] »

21 Responses to “LP16: Luntian”

  1. on 17 Jul 2008 at 1:47 amcez

    hahaha! :D natatandaan ko ‘to. naitago mo pa ba yung piraso ng crayola na yan? :P

  2. on 17 Jul 2008 at 10:27 amMarites

    LOL! nakow! ang bata nga naman, masyadong mausisa at maski ano nalang ang gawin. Buti naman at walang masamang nangyari. Ayan o, parang nanunukso pa sa litrato hehehehe!

  3. on 17 Jul 2008 at 12:35 pmmommy vanj

    awww!…napaka-cute naman ng munting batang ito!…mabuti naman at walang nangyaring masama sa kanya!….hays, mga bata nga nman ngayon!

    salamat sa pagbisita at pagkomento sa aking lahok! maligayang huwebes sa iyo!…ay byersnes na pala…hehe :)

  4. on 17 Jul 2008 at 1:38 pmteys

    hay naku mama meeya, iha mia, atake de corazon talaga :D baka may coloring book sa loob ng ilong :P malaki-laki pa naman ang krayola na yan buti na lang at natanggal - hinatsing ba nya?

    happy lp!

  5. on 17 Jul 2008 at 2:22 pmces

    oh no! katakot naman yan! anong gnawa mo?madali lang ba natanggal?

  6. on 17 Jul 2008 at 2:37 pmfortuitous faery

    yikes! ke ilong o sa bibig pa ipasok yan…hindi magandang kahihinatnan!

    mukhang guilty pa siya, oh.

    pakisilip naman ang aking luntiang lahok dito: http://fairywinkle.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy13luntian-berde.html

    salamat! :)

  7. on 17 Jul 2008 at 2:57 pmSomething Purple

    hahah naalala ko pa yan buti wala pa sa stage ni ethan yan or sana wag na dumaan haha!
    for you: http://www.mysomethingpurple.com/2008/07/domino-tag-is-back.html

  8. on 17 Jul 2008 at 3:55 pmDr Emer

    Noong bata pa ako, takip naman ng pabango ang ipinasok ko sa ilong ko. Napalakas siguro ang singhot ko. But I remember very well how worried my mother was because of that. The ENT took care of removing it.

    Nice take. Happy Friday!

  9. on 17 Jul 2008 at 4:07 pmsardonic nell

    aba, kahit ako eh aatakehin nyan sis meeya. but i’m glad to hear our pretty ninna’s okay naman. and btw, i love the photo. look at those voluptuous lips. tinalo si angelina jolie ;)

  10. on 17 Jul 2008 at 5:33 pmpining

    kakaiba ang iyong entry, kung merong premyo sa pagiging orig entry, sigurado ikaw ang panalo :-)
    ako naman, tissue paper ang naipasak ko sa ilong, nung ako ay limang taong gulang…
    happy weekend

  11. on 17 Jul 2008 at 10:40 pmjulie

    Ay sus ginoo! Ang mga bata talaga ano…

    Ganyan din ang ginawa ng anak ko, yung gold bead na para sa Christmas tree naman. Ayun, 1k agad ang bayad sa doctor. We called that “Golden kula****” worth 1k, :D

  12. on 17 Jul 2008 at 11:11 pmjennyL

    salamat sa pag dalaw sa entry ko..

    teka ang cute ng anak mo, haba ng nguso hehehe.. pero naku po kaloka nga yang ginawa nya ha buti nalang nakuha nyo.. yung pamnagkin ko naman aba eh akala kendi ang crayola kinain b anaman kaya pala may kulay blue ang bibig, dali dali naman kaming tumwag ng poison help (sa australia) buti na lang ay non toxic yung crayon.. so ingats mga mommy tutok lang sa mga baby nyo..

  13. on 18 Jul 2008 at 12:52 amAgring

    Ay naku! nakakatakot talaga mga bata pag di mo tinitingnan. Lahat pakikialaman. Buti nalang nakuha yong crayola sa ilong! Cute ng anak mo!

  14. on 18 Jul 2008 at 1:01 amlino

    ngek! very curious talaga mga bata…

  15. on 18 Jul 2008 at 2:08 amPinky

    Hahaha! Sobrang natawa naman ako sa lahok mo! Siyempre at naitago pa ang “souvenir” mula sa stunt ni Wonder Ninna. Oo nga, ako man nerbyos to the max din kung gawin ni Marga ito (*knock on wood*).

  16. on 18 Jul 2008 at 5:55 amThess

    Ninna, apir!! ginawa ko rin yan nung bubwit pa ako, pero buti na lang malaki butas ng ilong ko, nailabas ko ulit at hindi dumaloy sa utak ko he he he..kundi green minded ako talaga (psst mamam Mee , wag hirit dyan *lolz* )

    naitago mo pa ito Meeya?

  17. on 18 Jul 2008 at 6:52 amzamejias

    Lol. At yan ang kinakatakutan ko na gawin din ng anak ko! Mga bata nga naman o!

  18. on 21 Jul 2008 at 9:54 pmJO

    mommy ibili mo na ng bagong crayons si ninna. ang lungkot ng mukha o. paano mo naman matitiis yan?

  19. on 24 Jul 2008 at 7:25 pmWeng

    sino naman ang makakalimot noon?! hahaha! dapat pala pinost ko yung picture ni abby na kinulayan naman niya yung mukha niya ng green markers! hee hee. :) pati kaya ang mga anak natin e pareho ng wavelength? hahaha!

  20. on 25 Jul 2008 at 3:33 amKD

    Yun namang panganay namin na anak na si Tin-tin, noong 2 yrs old pa lang isinubo at nalulon yung isang plastic na bulaklak na hawak ni barbie malinggit lang sya. Nalaman lang namin lang ilabas na ito kasama ng alam mo na sa diaper nya.
    Pero kakatakot yung ginawa ng anak mo ha, may planong kulayan yung kulangot nya hehehe

  21. on 25 Jul 2008 at 8:53 amtoni

    Hahaha! Ang cute naman ni Ninna. :D Syempre hindi cute nung moment na yon dahil nakakatakot nga, pero ngayon hehehe, cute na!

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.