High quality wordpress themes are available for instant download.

LP11: Kalayaan

Litratong Pinoy

Hati ang aking damdamin pagdating sa mga ganitong pagkakataon. Dapat nga ba silang ikulong, sa interes ng agham, ng kamalayan, o di kaya’y para sa kanilang kaligtasan? O hayaan na lang silang maging malaya sa kanilang mga natural na tahanan?


Tinatanaw kaya niya ang kalayaan sa kabila ng bakuran?


Wala man rehas, hindi pa rin ramdam ang kalayaan kung ikaw ay nababalot ng pag-iisa.


Naghahanap ng pag-asang makilulan sapagkat walang kapangyarihang makalipad, makatakas.


Ano ang saysay ng maging hari ng kagubatan kung ang iyong palasyo ay gawa lamang sa tahi-tahing alambre at bakal?

Para sa sangkatauhan lamang ba ang kalayaan? O sa lahat ng nilalang?

~~~

Ang kalayaan ay hindi libre DITO.

« Tagged [First and Last] || Tagged [Friendship Around The World] »

17 Responses to “LP11: Kalayaan”

  1. on 12 Jun 2008 at 2:12 amDragon Lady

    uy! una pala akong makapagkokomento? aliw naman ako sa interpretasyon mo ng kalayaan para sa mga hayop na ito. :)

    maligayang LP!

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #11: Kalayaan

  2. on 12 Jun 2008 at 2:14 amDragon Lady

    p.s.
    maaari po ba ninyo akong isama sa inyong ‘tag buddies’? salamat po. :)

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #11: Kalayaan

  3. on 12 Jun 2008 at 11:27 amthess

    Meeya, madalas ganyan din ang tanong ko, ano ba mas maige para sa kanila..nakakulong para mapag-aralan at makita nating mga tao…o malaya pero maaring ring magdulot ng danger (uy, biglang d ko maalala sa tagalog ng danger?) kasi hindi tayo (tao) pwedeng mag-exist na magkakasama..hirap din ano? sila ang naging kawawa

    thess’s last blog post..Garden Snail

  4. on 12 Jun 2008 at 11:47 amteys

    ang hirap maging hari sa hindi mo kaharian, ano? di ka malayang makapag-desisyon ng gusto mo..

    happy lp!

    teys’s last blog post..LP#11 – Kalayaan

  5. on 12 Jun 2008 at 12:00 pmtoni

    Nalungkot ako dito! Una pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata — parang field trip eh! Pero nang tingnan ko muli ang mga larawan, naramdaman ko ang kalungkutan nila. Galing mo magkwento eh!

    toni’s last blog post..Quicky No-Bake Cheesecake

  6. on 12 Jun 2008 at 12:48 pmvanidosa

    Nakakaawa din ang mga hayop na yan pero yung mga wild siguro dapat lang ikulong for safety purposes.

    vanidosa’s last blog post..LP#11-Kalayaan

  7. on 12 Jun 2008 at 7:27 pmces

    uy ang cute naman ng unggoy! oo nga nakakaawa talaga sila ano…

    ces’s last blog post..LP #11: i have a tale to tell

  8. on 13 Jun 2008 at 12:56 amEm Dy

    Nung nasa Malaysia kami ng kapatid ko, libreng libre ang mga unggoy. Naalala mo yung ad ni Catherine Zeta Jones at isang credit card? Ganoon sila katalino. Di kami natuloy umakyat sa Batu caves kasi naghahabol sila.

    Em Dy’s last blog post..Food Trip in Singapore Part 2

  9. on 13 Jun 2008 at 3:13 pmpao

    ang sarap ng upo ng monkey sa bakod. hahaha. :)

  10. on 13 Jun 2008 at 3:39 pmClicking Away

    Naku, Meeya, ang hirap nga ng ganyan no… hindi mo alam kung tama ba na ikulong yung mga hayop… para sa akin naman, as long as inaalagan sila at hindi sila endangered eh okay lang dahil ito naman ay kailangan din ng tao upang matutunan ang iba’t-ibang mga hayop. May feeling ako na iba ang opinyon mo dito.

    Clicking Away’s last blog post..LP011 – Kalayaan

  11. on 13 Jun 2008 at 6:09 pmlino

    para sa lahat ang kalayaan… :)

    lino’s last blog post..EB ng LP?

  12. on 13 Jun 2008 at 10:33 pmWilla

    kawawa talaga ang mga nakakulong,kahit hayop man may karapatan din lumaya.

    Willa’s last blog post..PH#8 – Emotions

  13. on 14 Jun 2008 at 1:49 amiris

    naniniwala akong para sa lahat ang kalayaan. pero nakakatuwa talaga silang tingnan eh.. hehe. para sakin, live and let live.

  14. on 14 Jun 2008 at 5:25 amjulie

    Ang gaganda ng mga larawan, lalo na ang mensahe. :)

  15. on 14 Jun 2008 at 10:01 amalpha

    nakakaaliw naman yung monkey, kahit mukha syang malungkot

    alpha’s last blog post..London.

  16. on 15 Jun 2008 at 12:59 amLizeth

    dapat lang na bigyan din sila ng kalayaan …. salamay sa pag-post sa mga larawan na ito.

    Lizeth’s last blog post..I will NOT miss.

  17. on 15 Jun 2008 at 9:55 pmweng

    may pagkakahawig na naman ang lahok natin dahil mga nakakulong na hayop din ang aking lahok…mga ibon nga lang. :) iboboycott na ba natin ang mga zoos? hee hee. e kung mabaliktad nga naman ang mundo at mga hayop ang may isip at nasa laya, tapos tayo naman ang ikulong nila? :D

    weng’s last blog post..By: Willa

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.