High quality wordpress themes are available for instant download.

LP10: Pag-Iisang Dibdib

Litratong Pinoy

Ang litratong ito ay kuha sa pag-iisang dibdib ng aming mga mabuting kaibigan na sina Ella at Sherwin. Narito ang bagong kasal sa harap ng simbahan kung saan sila ay ikinasal. Maikling panahon lamang ang preparasyon para sa kanilang kasal subalit hindi mo mababakas ang kahit anong ligalig sa kanilang mga dibdib. Pati ang pari na nagkasal sa kanila ay nagmungkahi na isa sa pinakamagandang kasal ito na kanyang i-sinelebra. Tingin ko, dala ito ng umaapaw na pag-ibig nila sa isa’t-isa.

At syempre, hindi pwedeng hindi ko ipagmalaki ang aking napakagandang anak nang siya at ang kanyang kaibigang si Catie ay naimbitahan upang magsilbing flower girls sa kasal na ito. Ito ang pinaka-unang pagkakataon na si Ninna ay naging flower girl kaya naman napaka-espesyal ng okasyon na ito para sa amin ng aking asawa.

Huling-huli sa litrato na ito kung gaano sila naglilikot sa simbahan habang nagpapatuloy ang seremonya. Ay yay yay.

~~~

DITO naman matatagpuan ang litrato namin ng aking asawa noong kami ay ikinasal.

« || »

30 Responses to “LP10: Pag-Iisang Dibdib”

  1. on 05 Jun 2008 at 3:56 amkomski kuno

    ganda nung pic. mas maganda panigurado nung bride, hehehe:D Haaay, parang gusto ko na tuloy magpakasal ah, hehehehe.

    komski kuno’s last blog post..Ikaw at ako

  2. on 05 Jun 2008 at 5:45 amdelish

    ang galing ng effect nung mga krus sa unang picture :)

    delish’s last blog post..Lighting at Home

  3. on 05 Jun 2008 at 6:52 amDyes

    ang ganda nung picture ng bride and groom! ayos!

    Dyes’s last blog post..DAD # 1

  4. on 05 Jun 2008 at 8:28 amalpha

    so ongoing pala ang kasal habang nagliliwaliw sila ninna hehehe

    alam mo ba, isa yung mga wedding invites nyo sa inspiration ko sa invities namin.. at nakita ko pa yung unclaimed album nyo sa studio nina chito, a year after your wedding na ata yun (tama ba?).. kami di pa din namin nakukuha yung album namin hehe

    alpha’s last blog post..LP: Pag-iisang Dibdib.

  5. on 05 Jun 2008 at 9:14 amReflexes

    parehong magaganda ang mga larawang iyong ibinahagi. maganda ang pagkakakuha at anggulo ng ikinasal at cute at candid naman ang sa dalawang bata. ang ganda ng pagkakatahi ‘style’ ng damit nila.

    Reflexes’s last blog post..WS1: Gotta Move On

  6. on 05 Jun 2008 at 9:33 amdang

    syempre, cutey si ninna mana sa nanay! at nagliliwaliw habang me seremonyas,..hmm..ayokong sabihin kung kanino nagmana..
    maganda ang unang kuha mo sis..as always!!pero syempre ke ninna ako me comment..ka cute talaga ng anak mo!:)

    dang’s last blog post..tag from pinky

  7. on 05 Jun 2008 at 9:54 amweng

    parang wedding photographer ah! :) di ba may solo pics si ninna? sana isinama mo rin. hee hee! as usual, di ako makadecide kung aling pics ni abby ang ilalagay ko. kaya dinamihan ko na! hahaha! hapi huwebes! jamming ulit? nyahahaha! :D

    weng’s last blog post..LP #10: Pag-iisang Dibdib

  8. on 05 Jun 2008 at 10:16 amleah

    nice pictures. ganda ng kuha ng bagong kasal. cute ng mga flower girls :D

    leah’s last blog post..LP: Pag-iisang DIBDIB

  9. on 05 Jun 2008 at 10:57 amiris

    hehehe naaalala ko tuloy ang aking flower girl days. ganyan din ako kalikot noon katulad ni ninna! :)

  10. on 05 Jun 2008 at 12:01 pmjulie

    Parang nakita ko ang post mo re flower girl, sa WS ba yun? The girls have their “what did I do?” look sa picture :D

    Ang ganda yata ng church na yan.

    julie’s last blog post..A Prayer

  11. on 05 Jun 2008 at 12:06 pmarchitect

    ganda.. nakakatuwa ung flower girls.. may tiara pa.. kaiba ang lahok ko… di nyo maiisip na pwede ito… hehehe… naway madalaw nyo..

    architect’s last blog post..Litratong Pinoy #4 Pag iisang Dibdib

  12. on 05 Jun 2008 at 12:43 pmDragon Lady

    uy! akala ko kuha ni chito cleofas yung mga litrato lalo na ‘yung una! hahaha. :D

    maligayang LP, mama mee! bisitahin ko nga ulit ang mga litrato nung kasal nyo…. ;)

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #10: Pag-iisang Dibdib

  13. on 05 Jun 2008 at 2:22 pmg

    Ay ang cute ng 2 bata!

    g’s last blog post..Sky Watch Friday – Aoi Sora

  14. on 05 Jun 2008 at 2:31 pmces

    wow umaapaw! :) ang cute naman ng 2 flower girls:)

    ces’s last blog post..LP #10: my best friend’s weddings

  15. on 05 Jun 2008 at 3:45 pmfortuitous faery

    ang ganda ng litrato sa kinasal sa simbahan! at nakakaaliw ang dalawang munting flower girls!

    fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy#7: pag-iisang dibdib

  16. on 05 Jun 2008 at 7:17 pmlidie

    ang ganda naman ng lugar na yan!
    magandang araw sa’yo!

    lidie’s last blog post..LP #10 :: Pag-iisang Dibdib

  17. on 05 Jun 2008 at 10:12 pmlino

    kuha mo ba yan? ganda… nice… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP… :)

    lino’s last blog post..pag-iisang dibdib?

  18. on 06 Jun 2008 at 1:05 amDr Emer

    Umaapaw na pag-ibig. Madaling mahuli at makita dahil sa kanilang mga ngiti.

    Mahilig din po pala kayo sa tsokolate. Leonidas po din ang isa sa favorite chocos ko.

    Dr Emer’s last blog post..Mercury in your Amalgam

  19. on 06 Jun 2008 at 1:13 amtin

    malamang ay ikatutuwa rin namin kapag naging flower gehl si amelie. ang cute talaga ni ninna girl.. love the tiara!

    tin’s last blog post..By: Tere

  20. on 06 Jun 2008 at 1:37 amThess

    MamaMee, pwedeng pwede kang wedding photographer! Ang ganda ng pagkakakuha mo sa unang pic..at syempre pa, ang cutiepie talaga ng anak mo..parang kelan lang, nakaupo sya sa paso ngayon flower girl na sya :)

    Thess’s last blog post..Garden Snail

  21. on 06 Jun 2008 at 9:56 pmiRonnie

    ang cute ng mga flower girls at mukhang maganda din yung church. happy weekend!

  22. on 07 Jun 2008 at 4:33 amClicking Away

    Meeya, I like those three crosses in the background. Parang ngayon lang ako nakakita ng simbahan na tatlo yung cross… kadalasan ay isa lamang.

    Ang cute din ni Ninna at Catie. Parang naaala ko pa yung post mo tungkol sa kasal na ito… di ba nag pa beauty salon pa sila?

    Clicking Away’s last blog post..LP010 – Pag-Iisang Dibdib

  23. on 07 Jun 2008 at 11:25 amBuge

    Ganda ng mga larawan at ang kyut ng mga flower girls!

    Happy LP!

    Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Pag-iisang Dibdib

  24. on 07 Jun 2008 at 9:43 pmsha

    lindt chocs is my code yipee.. great angle of the pic and i love the expression of the girls…
    am back here at Palm Beach

    sha’s last blog post..Pag iisang Dibdib? its Wedding time

  25. on 07 Jun 2008 at 11:01 pmMarites

    ganda naman ng mga litrato mo :) ang galing!

  26. on 08 Jun 2008 at 3:11 amMommyBa

    Ang ganda ng kuha at ang cute ng mga flower girls :)

    Happy weekend po!

    MommyBa’s last blog post..Separation Anxiety

  27. on 08 Jun 2008 at 7:17 amKotsengkuba

    is this in christ the king chapel in QC?

  28. on 09 Jun 2008 at 10:04 amzamejias

    Nagustuhan ko yong unang shot… Maganda siya kasi vivid yong kulay ng sky.

    zamejias’s last blog post..Brown Saturday

  29. on 10 Jun 2008 at 4:59 amiska

    maganda ang kuha ng iyong anak at ng kasama nya bilang flower girls. kakatuwa!

    iska’s last blog post..LP#10: Pag-iisang Dibdib

  30. on 10 Jun 2008 at 2:42 pmnina

    Ang ganda naman ng simbahan na ito :) Cute ng mga flower girls.

    nina’s last blog post..LP – Pag-iisang Dibdib

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.