LP09: Hangin


Walang panama si Rod Navarro sa hangin ng mga ito. :)
Ito ay kuha nang minsang nilakbay namin ang kahabaan ng I-5 sa California. Isang mahabang-mahabang kalsada ito at halos iisa lamang ang itsura ng kapaligiran kaya’t di maiwasan na sa biyahe ay mabagot. Ngunit, tulad ng isang malamig na ihip ng hangin ay lumantad sa amin ang tanawing ito. Daan-daang windmills sa tuktok ng naguumbukang mga burol.
Presko sa paningin para sa aming maligayang pagdating.
MrsWorkingGirl :: May.29.2008 :: Litratong Pinoy :: 23 Comments »











uyyy, parehas kayo ni judy ng entry. pahapon na ba? ang ganda ng effect!
happy hwebes!
Dyes’s last blog post..L.P. # 9: Ihip ng Hangin
oo nga pareho pala tayo, pati kung saan makikita ang mga windmills na yan :) ang galing (natin)! hehehe! pwera biro, ang ganda ng shots na yan. dapit-hapon o madaling-araw?
Linnor’s last blog post..Hangin
ganda naman ng perspective mo. parang mini-crosses para sakin :)
mee sino si rod navarro? :)
Windmill uli! Pinakaiba ito sa mga windmill na lahok dahil sa kulay ng langit mo! Gandang LP!
G_mirage’s last blog post..Litratong Pinoy – Ihip ng Hangin
ganda mama mee…ganda ng kulay ng langit. para nga siyang cross :)
happy LP
jeanny’s last blog post..LP#9 Ihip ng hangin
oo nga naman, wala talagang sinabi si rod navarro sa hangin ng windmills :D
happy LP!!
cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Sa Ihip Ng Hangin
Wow! Ang ganda ng larawan mo, parang puwede nang pang-ending sa pelikula :)
julie’s last blog post..Ihip ng Hangin
ang ganda…puwedeng gawing postcard!
fortuitous faery’s last blog post..litratong pinoy #6: ihip ng hangin
muli isang larawan ng windmill…iba’t-ibang itsura at iba’t-iba ang dating. ang sa iyo ay takipsilim. may drama. magandang araw sa iyo.
RoseLLe (Reflexes)’s last blog post..Smart Shopping
ganda talaga ng windmill! ang ganda rin ng shots mo :)
ettey’s last blog post..LP: IHIP NG HANGIN
alam ko na bakit mo gusto ng IS na zoom! :) love ko yung 1st photo, parang gusto ko mag muni-muni. :) ganda!
christine’s last blog post..TMA 18: Oldest, Newest
Galing ng kulay ng entry mo. Pareho tayo ng entry pero sa Pinas naman ang sa akin. Happy weekend!
Pareho tayo ng entry. Ang ganda ng mood ng mga litrato mo. Somber.
Em Dy’s last blog post..Ang Tao at ang Kalikasan
hi mama mee! talaga naman at hanggang ngayon ay di ko pa rin kita ang ‘leftmost pane’ nitong site mo… tsk, tsk, tsk.
ayun, sa I-5 nga matatagpuan ang mga windmills na yan! gusto ko ang mga kuha mo, ma-drama nga ang dating. :D
i’m back at blogging, hehe!
Ninang Judy’s last blog post..L.P. #9: Ihip ng Hangin
Meeya!! Ang ganda naman…lalo na yung una…great sky!!!!
mas malakas ba ito talaga kaysa kay Rod Navarro? *lol*
thess’s last blog post..LP#7 UMAAPOY
Meeya, I love windmills. Ang dami ng mga windmills na ito… siguro talagang mahangin diyan… Rod alis diyan!
Clicking Away’s last blog post..LP009 – Ihip ng Hangin
naks naman ang ganda ng litrato! professional na professional ang dating! :D uy mee, isa sa mga naging options ko e gumawa ng pinwheel. di ba mukha ring windmill yun? hee hee. happy weekend! mmwah!
weng’s last blog post..Shuttlelift
meeya, tanong ko lang- sino si Rod Navarro…sobrang bata ko pa…hahahah…ako na ata pinakamatanda dito, so alam mo na kilalang kilalo ko siya biglang model pa kamo ng Dutch Boy paint at 680 Electronics…
pero ito hindi biro – isa sa pinakamagandang bersiyon ng Windfarm shot ang kuha mo, kung hindi ito ang pinakamaganda sa 11 na nag pakita ng windfarm pic…
husay!
Junnie’s last blog post..Hangin
kahit marami akong nakitang windmills today, lahat naman ng kuha eh meron pa ring kakaibang appeal sa kin. lahat magaganda. lahat merong unique sa picture na nakuhanan! mahusay talaga!
happy weekend po!
MommyBa’s last blog post..Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin (Wind))
Uy, pareho kayo ni Linnor :) Aliw na aliw ako dito noong nagpunta kami sa Europe lalo na yong mga lumang windmill. Gusto ko makita yong nasa Ilocos :)
nina’s last blog post..Kitty Go Blogs
Wow ang ganda naman! Uy magkasing-edad ba tayo? Kasi nabanggit mo si Rod Navarro at yung commercial nya. hehehe
watson’s last blog post..Litratong Pinoy #9: Ihip ng Hangin
ang ganda nga ng mga windmills. mukhang sci fi movie ang effect nya :)
korky’s last blog post..TV Wall Mount
Ganda ng shots mo… dami ning windmills ha. Hanggang sa susunod na LP.
zamejias’s last blog post..Layered Meme