High quality wordpress themes are available for instant download.

LP07: Umaapoy

Litratong Pinoy


Kapag may sunog, ito ay maririnig mong sisigaw ng “umaapoy!”.

Dahil bawal sa aming building ang mag-siga, wala akong pag-asang makakuha ng litrato na uukol sa tema ngayong linggo. Kahit na magpaka-matapang ako, hindi ko na sinubukan pa na magsimula ng apoy dahil kapag ginawa ko iyon, pihado, mas mabilis pa sa pag-alarma ng sirenang ito ay sa bilangguan niyo na lang kami pupulutin ng aking anak, hehe.

~~~

Isa pang Umaapoy DITO.

~~~

Siya nga pala, gumagawa po ako ng Blogroll para sa LP. Kung nais niyong ilagay ko kayo sa blogroll, puntahan ang pahinang ITO para malaman kung paano. Thanks! :)

« A Sugary Thought || Sleep In Style »

29 Responses to “LP07: Umaapoy”

  1. on 15 May 2008 at 2:54 amDyes

    oks na yan :) naka-spell naman ang apoy sa inglis eh :)

    happy hottie huwebes!

    Dyes’s last blog post..LP # 7: Umaaapoy

    hi dyes, oo nga literal na lang na transalation. pasado naman siguro, hehe. :D ~m

  2. on 15 May 2008 at 8:33 amstar

    ahaha! oo nga naman, wag na lang subukan…
    sakto pa rin naman sa theme yung picture :)

    star’s last blog post..Litratong Pinoy #6: Umaapoy

    hi star, takot ako, haha! alam mo naman dito, malupit ang pang-amoy ng mga detektib. at kawawa naman si ninay pag nakulong kami… magiging batang city jail ang drama niya, haha! :D ~m

  3. on 15 May 2008 at 8:57 amthess

    okay sa olrayt ka talaga mamamee bumanat :D kakaibang apoy nga itesh *lol*

    for fun, cge na subukan mo mag start ng apoy he he…maldita talaga ano? :P

    thess’s last blog post..LP#7 UMAAPOY

    hi thess, naku ayaw ko, hahaha! yung isang klaseng paglalaro ng apoy na lang, game ako dun. *wink* ~m

  4. on 15 May 2008 at 9:03 amEm Dy

    Oo nga no! Ang galing! Apoy din yan!

    Siguro kung nagsimula ka ng apoy, magkakaron ka na din ng lahok para sa tubig. Baka biglang gumana sprinklers sa building nyo!

    Em Dy’s last blog post..A Lot of Rounds

    hi doc em, hahaha! hmm, may point ka diyan! at least di ko na problema yung tubig theme ng LP ano? :D ~m

  5. on 15 May 2008 at 10:37 amweng

    nung binabasa ko itong entry mo sa bloglines kaninag madaling araw, napailing na lang ako kasi pareho nga tayo ng rason kung bakit hindi nakapagsiga! hahaha! ang mga kapitbahay, baka ipapulis tayo! :D happy huwebes, mee! mmmwah!

    weng’s last blog post..Conductor

    hi weng, naku alam mo naman dito sa tate napaka-trigger happy ng mga tao sa pag-dial ng 911, haha! pero di ko rin naman sila masisisi, kung makita ko rin ang kapitbahay ko nagsisiga e mauuna na rin akong da-dial ng 911, haha! ~m

  6. on 15 May 2008 at 11:01 amteys

    wag na kayong papulot ni chikiting :) oks na ito pag tinagalog naman suma total eh apoy pa din hehehe

    gandang ‘webes!

    teys’s last blog post..LP#7 - Umaapoy

    hi teys, thank you! ayoko rin naman makulong noh. wa poise! :D orange doesn’t look good on me, hahaha! happy huwebes. :) ~m

  7. on 15 May 2008 at 12:19 pmalpha

    meri krismas din meeya hehehee..

    ok ang entry mo a..

    buti pa dyan bawal magsiga.. hay dito sa pinas, nihihika ang anak ko dahil sa mga usok na yan.. makapag-abroad na nga hehehehe

    alpha’s last blog post..Now & Then.

    hi alpha, oo nga ano. walang pakundangan kung magsiga ang mga tao sa atin, haha! dito kasi bawal, lalo na ngayon na sobrang uso ang bush at forest fires. kapag nahuli kang nagsisiga ng walang permit, ikukulong ka at pagbabayarin ka pa ng multa. :D tara dalhin mo na si estong dito para may kalaro naman si ninna. :D ~m

  8. on 15 May 2008 at 1:42 pmsardonic nell

    ganda ng photo mo, sis meeya. the color comes alive…

    sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #7: Umaapoy

    thanks nell :) red na red, hindi mo made-dedma, haha! :) *muah* ~m

  9. on 15 May 2008 at 2:00 pmtoni

    Napakaganda ng kuha mo!!!

    toni’s last blog post..Official Twilight Poster

    thanks toni! *muah* ~m

  10. on 15 May 2008 at 2:39 pmG_mirage

    Mas madali yatang isigaw ang ’sunog!!!’ kapag “Umaapoy” na ang building =D

    Kakaibang lahok itong sa iyo at nakakatuwa ang mga komento! hehe Gandang araw!

    G_mirage’s last blog post..LP #7 Umaapoy

    hi gmirage, kasi kailangan isingit yung salitang “umapoy” hahaha. anyway, ang totoong sound ng sirenang yan ay isang nakakabinging kalampag ng matinis na bell, na kapag ni-translate mo ay: fire!!! (kasi ingles ang salita dito eh, haha) ~m

  11. on 15 May 2008 at 7:01 pmKaje

    swak naman sa tema ah! heheheheh masyado ngang stiff ang mga tao dyan, di yata kaya ng byuti ko hahaha konting kalabog lang reklamo agad…

    Kaje’s last blog post..LP7 - Umaapoy

    hi kaje, oo medyo uptight nga ang mga tao dito. it took me a while para masanay sa pagka-pikon nila, haha! kung dati napapagpasensiyahan ko sila pag maingay, ngayon nagre-reklamo na rin ako, haha! ~m

  12. on 15 May 2008 at 7:01 pmLeah

    hello meeya!

    salamat sa pagdalaw sa aming blog. :)

    litaw na litaw ang alarma na iyan sa dingding. magandang pagkakuha!

    Leah’s last blog post..LP#7: Umaapoy

    thanks leah! :) ~m

  13. on 15 May 2008 at 7:07 pmPinky

    Mee, may “American twang” din ba yung sigaw niya? Hehehe ;)

    Ay, oo nga pala, di mo masasagot ang tanong ko pagkat ayaw mo namang subukan siyang sadyaing pasigawin, di ba? Sabagay, ako man ay “praning” din to break any law - characteristic ba ito ng mga panganay? Hmmm…

    Happy Huwebes sa iyo!

    Pinky’s last blog post..LP #7: Umaapoy

    hi pinky, naku parang ayaw ko rin yata mag-break ng law diyan sa inyo kasi di ba namumutol sila ng kamay diyan or something, nyehhh. happy huwebes! *muah* ~m

  14. on 15 May 2008 at 7:20 pmhaze

    only in the phils mama mee pwede kang mag siga kahit saan. hehe :P

    pasado naman sa tema ang lahok mo eh. at huling huli mo ang kulay niya, para bang ang sinasabi eh, subukan mo lang gumawa ng apoy, lagot ka sa akin.

    mwah!

    haze’s last blog post..LP #7: Umaapoy

    hi haze, correct haha! nakaka-intimidate nga yang mga gadgets nila dito. parang hinahamon ka na gumawa ng kalokohan para madali kang mapulis, hehehe. ay naku noh, law abiding citizen yata itech. :D ~m

  15. on 15 May 2008 at 7:43 pmettey

    ang ganda ng angulo ng kuha mo! i love it! :D

    ettey’s last blog post..[LP: Umaapoy]

    salamat ettey. :) ~m

  16. on 15 May 2008 at 8:53 pmCookie

    angkop na angkop ang kuha mo para sa linggong ito. oo nga naman, wag mo ng ambisyunin ang mag-umpisa ng sunog…kung paano na lang apulahin..galing :D

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Umaapoy

    salamat, cookie! ~m

  17. on 15 May 2008 at 9:01 pmarchitect

    ganda ng kuha…maligayang huwebes…………

    architect’s last blog post..LITRATONG PINOY- UMAAPOY

    salamat, architect! ~m

  18. on 15 May 2008 at 9:39 pmlino

    ayos ang kuha ah… :)

    lino’s last blog post..umaapoy?(on fire)

    salamat, lino! ~m

  19. on 16 May 2008 at 2:03 amClicking Away

    Meeya… ang galing naman ng naisip mo… umaapoy nga naman ito, nakasulat pa sa kanyang katawan. Nakakatuwa lang ang LP, no, kasi makikita mo rin how different people interpret a subject… at lagi mo din napapansin how creative people can be. Gusto ko itong entry mo :)

    By the way, hindi ko na binasa yung instructions mo… pero paki sama na lang ako sa lp link mo… gumawa na rin ako doon sa aking site after going to thess’ site… i’ll link you on my site too :)

    Clicking Away’s last blog post..LP007 - Umaapoy

    hi keith, i already added you and pinky to my blogroll (automatic yun, syempre, hehe!). if you want, you can copy the script, which i wrote here and just paste it on your sidebar (using a text widget), it should automatically build the list for you. :) and thanks also for liking my entry this week. nangawit ako to take the pic kasi the alarm is so high up sa ceiling, haha! :D ~m

  20. on 16 May 2008 at 2:39 amWilla

    at least hindi man apoy ang litrato mo,related pa rin kasi pamatay ito ng apoy. :D

    Willa’s last blog post..LitratongPinoy#7 - Apoy(Fire). . .

    hi willa, korek! :D salamat! ~m

  21. on 16 May 2008 at 8:02 amiris

    ang saya siguro nun no? haha joke lang. wag na, hindi bagay ang beauty niyo ni ninna sa bilangguan :)

    hi ris, well, at least libre na ang food so hindi ko na kailangan magluto, haha! ~m

  22. on 16 May 2008 at 8:03 amiris

    by the way mee, nag-copy paste din ako ng LP blogroll from the site :)

    hi ris, okay! :D ~m

  23. on 16 May 2008 at 8:53 amGrey

    kahit di aktwal apoy, kuhang kuha mo naman ang salitang “FIRE”! O di ba apoy pa din naman un ah, ingles lang! hehehe.. mabuhay LP! :)

    hi grey, exactly! :D mabuhay! ~m

  24. on 16 May 2008 at 10:56 amnina

    Di ba related pa rin sa apoy :) Salamat sa pagbisita.

    nina’s last blog post..Poll

    hi nina, oo i hope pasado naman siya sa LP requirement. :D ~m

  25. on 16 May 2008 at 11:36 amcolby

    Related pa rin ito sa tema eh… pampatay ng apoy. Hehehe! Ang ganda ng pagkakuha mo, simple pero may dating! =)

    Happy weekend!

    colby’s last blog post..My favorite Tito in the whole world

    salamat, colby! ~m

  26. on 16 May 2008 at 11:42 pmjeanny

    related naman sa topic yan ah. akin nga sa pool pero considered kong related sa umaapoy, hehehe.

    Buti hindi nagtaka ang iba why mo kinukuhaan ng pic ang alarm sa building nyo?

    gandang weekend mama mee :)

    salamat, jeanny! actually may mga dumadaan ngang kapitbahay habang kinukuhahan ko ito ng pic, wala naman silang pakialam, haha! ~m

  27. on 17 May 2008 at 1:53 amwaltz

    minsan ng tumunog ang fire alarm sa isang hotel na tinutuluyan namin… sobrang sakit sa tenga sa tindi ng ingay nito… feeling ko umaapoy na din tenga ko nun…

    hi waltz, korek! pero sana naman huwag muna itong tumunog at baka umapoy din ang ulo ko sa pag-aalalala, hehe. ~m

  28. on 17 May 2008 at 8:26 amchristine

    kakaibang interpretasyon ng tema natin, mee. :) hope you’re having a good weekend! :)

    salamat, tin! *muah*~m

  29. on 18 May 2008 at 3:46 amZJ

    Sang-ayo ako kay Christine - kakaibang interpretasyon nga ito ng tema. Ano kaya kung ang salitang “sunong… sunog…” ang lumabas na tunog sa fire alarms at hindi yung ordinaryong tunog ng sirena? Hehhe. Joke lang. Happy weekend!

    ZJ’s last blog post..Litratong Pinoy #3: Nag-aapoy

    hi ZJ, naku pag sumigaw ng sunog itong alarm, hindi maiintindihan ng mga kano, hahaha! salamat sa pagbisita. :D ~m

Trackback URI | Subscribe to the comments through RSS Feed

Leave a Reply





Want to download movies? Check out this website.